Chapter 36: The Debutante

15.8K 283 18
                                    


Few days later...



"Czarina, Anak are you ready?"


"Mama, do I really need to do this?"


"Anak, alam mo na naman na kailangan."


"Pero Ma di ba may bagyo?"


Huminga ng malalim si Mama at alam kong mastado na siyang nakukulitan sa akin. "Anak, alam kong sa buwan ng September ay maulan. Kaya naman ay inayos na namin ang lahat."


"Eh may bagyo po."


"Anak, walang bagyo. Tinawagan namin ang PAG-ASA at tinanong kung mag-kakaroon ba ng bagyo at sa awa naman ng Diyos ay wala daw. Kaya ihanda mo na ang sarili mo at maya-maya ay darating na si Cerisse." Alam na alam ni Mama kung paano ako patagilin. Kilalang-kilala niya talaga ako.


Kahit kinakabahan at nakakaramdam ng takot ay natuwa ako ng sabihin sa akin ni Mama na si Ate Cerisse ang gagawa sa hair and make up ko. "Si Ate Cerisse po ang mag-aayos sa akin?"


"Eh siya lang naman ang taong pinapahintulatan mo na mag-ayos sayo. Kaya mag-ayos ka na dyan at darating na yun maya-maya."




Paalis na sana si Mama ngunit hinawakan ko ang kamay niya para patigilin ito.



Tiningnan ako ni Mama at biglang nabahag ang buntot ko upang tanungin ang matagal ko ng iniisip at kinakatakutan.




"Yes. Imbitado siya. Anak... sana huwag ka munang mamroblema ngayong araw na ito. Pwede ba?"



Ngumiti ako kay Mama na nag-papahiwatig ng pag-sangayon sa kanyang pakiusap.



"Anak, Happy eighteenth birthday... Proud ako sayo Anak. I love you, My baby." Niyakap ako ni Mama. Ang yakap na iyon ay nag-pakalma sa nararamdaman kong kaba at takot.


"I love you too Mama. Thank you po."


Bumitaw mula sa pag-kakayakap si Mama at hinaplos niya ang pisngi ko dahilan upang tumingin ako sa kanyang mga mata. "I know Anak..."


Hinaplos ni Mama ang mag-kabilang pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki. Huminga ito ng malalim at ngumiti ito ng matamis sa akin. "Dapat mamaya ko pa ibibigay sayo ang dapat kong ibigay pero gusto ko na kasi makita na suot mo ito."



Pinakita ni Mama ang isang kwintas na gold. Isinuot niya ito sa akin at hinarap niya ako sa salamin.



"Ma, ang ganda po..." Hinaplos ko ang kwintas na kasalukuyang nakasabit sa aking leeg.


When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now