Chapter 8: Employer - Employee Date

18.8K 362 2
                                    



"Saan ba tayo pupunta?"

"Hop in."



Sumakay si Czarina sa sasakyan ni Jaeger.



"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nilingon ni Czarina ang nag-mamanehong si Jaeger.

"We're here." Hininto ni Jaeger ang makina ng kotse saka nag-tanggal ng seatbelt.

"Anong gagawin natin dito?" Nilingon ni Czarina ang paligid at nakita niya na nasa tapat sila ng isang mamahaling kainan.

"You know what? You're a real turtle. Stupid turtle." Jaeger gave Czarina a dead look.

"Ano nga ang gagawin natin dito?"

"Slow turtle."

"Alangan naman fast turtle. Hello? Kailan pa bumilis ang turtle?"

"You're giving me a migraine. Kakain." Nawawalang pasensya na saad ni Jaeger.

"Eh, busog na ako."

"May sinabi ba akong kakain ka rin? Titingnan mo lang ako habang kumakain."

Lumabas ng sasakyan si Jaeger at gayon din si Czarina. Nag-lakad sila patungo sa Restaurant. Nangunguna sa pag-lakad si Jaeger habang nakasunod naman sa kanya si Czarina. Pumasok na ang dalawa sa loob ng restaurant.

"Oi! Bunganga mo isarado mo at baka pasukan ng bangaw. Pwede bang huwag mo masyadong ipahalata na galing ka sa bundok? Nakakahiya ka eh. Mapapansin agad nila na ngayon ka lang nakapasok sa ganitong klaseng lugar."

Tinapunan ng masamang tingin ni Czarina si Jaeger. "Ang ipo-ipo mo talaga. Ilang beses na akong nakapunta sa mga gan—-"

"What?" Tiningnan ni Jaeger and si Czarina at nakita niyang naka-half open ang bibig nito. Dahil na rin siguro sa napaisip siya sa kanyang sasabihin.

"Don't mind me. Mag-order ka na." Itinikon ni Czarina ang kanyang bibig at seryosong tiningnan si Jaeger.



Umorder si Jaeger at dumating agad ang inorder niya.



Inilapag ni Jaeger ang plate na may lamang Wagyu Steak sa harap ni Czarina. " You eat this."

"Ang akala ko ba hindi ako kakain? Na titingnan lang kita habang kumakain?"

"Pinapatikim ko ito sayo kasi baka may lason. At kung sakali man meron, malalaman ko yun dahil bubula agad ang bibig mo". Nag-halumbaba si Jaeger at tiningnan ang taong nasa kanyang harapan.

"Thanks but no thanks. Ikaw ang nag-order niyan. Pagkain mo yan, kaya ikaw dapat ang kumain niyan. At kung may lason man ikatutuwa ko kung mamamatay agad ang ipo-ipong sumalanta sa buhay ko na kaharap ko ngayon." Ngumiti ng malapad si Czarina sa kausap.



Binigyan ni Jaeger ng masamang tingin si Czarina. Dahil alam naman niyang hindi mag-papatalo ang dalaga ay kinain na lang niya ang Wagyu Steak.



"Jaeger... Resto niyo ba ito?" Nilingon-lingon ni Czarina ang paligid ng Restaurant.

"Nope."

"Eh sinong may-ari nito?"

"Sandoval."

"Eloisa and Nathaniel Sandoval?" Gulat na saad ni Czarina.

"Yeah... Paano mo sila nakilala? Siguro mang-gagantsyo ka noh?"

"Mang-gagantsyo?"

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon