Chapter 35: My past is back, My present is gone

13.4K 242 11
                                    


"Jae, can we talk?"

"Mei..." Umayos sa pag-kaupo si Jaeger saka taimtim akong tinitigan.

"Ano ang nabalitaan ko na nililigawan mo si Ate at iniwan mo si Czar?" Pinag-masdan ko ang reaction ni Jae

K-kamusta na si Pa-pagong?

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis towards Jaeger. Anong karapatan niya para kamustahin si Czar? "Hah! Ang lakas naman ng loob mong tawagin na Pagong pa rin si Czar matapos mo siyang iwan. Ang kapal mo rin 'no? Alam mo bang hindi na rito mag-aaral si Czarina? Jaeger, alam mo naman ang feeling na iwanan di ba? Bakit mo iyon ginawa kay Czarina?"

Nakita ko ang pag-kagulat na rumehistro sa mukha ni Jaeger. Tanging isa lang ata ang narinig niya. Tsk. Tsk.

"W-wala na si Czarina sa school?"

"OO. Kinuha na ng Tita niya ang records niya rito."

"Bakit hindi siya nag-paalam?"

"TANGA KA BA?! Sa tingin mo ba mag-papaalam pa siya sayo matapos mo siyang iwan?" Utak naman Jaeger. Jimmy Neutron, bahagian mo nga ng unting katalinuhan itong lalaking kausap ko.

"Ma-mahal ko ang Ate mo."

"Si Czarina mahal mo rin ba siya?"

"E-ewan. Hindi ko alam Mei." Ay! Tarantula! Gosh! Bakit ako nakakilala ng taong ganito katanga?

"Kung hindi mo alam, bakit mo pa niligawan si Czar?!"

"Naguguluhan ako..." Napahilamos si Jaeger sankanyang mukha. Hindi konalam kung dahil sa pag-kainis sa sitwasyon niya o pag-kainis sa akin.

"Hah! Naguguluhan ka?!! G*** ka! Kung naguguluhan ka, sana hindi mo na lang siya niligawan! Eh di sana, hindi siya nasasaktan ngayon!"

Huminga ako matapos ko mag-litanya ng mahaba kay Jaeger. Inis ko siyang tiningan at pinakiramdaman. Nang wala siyang sinabi ay ipinag-patuloy ko ang litanya ko.

"Hindi mo na ulit makikita si Czarina at sakali mang makita mo siya... Sigurado akong huli na ang lahat. Mahirap mag-sisi sa huli Jae. Past is past. Si Ate... parte na lang siya ng nakaraan mo. At si Czarina ang present mo, ang present mo na iniwan mo."

Sa sobrang inis ko ay pinili ko na lang unalis at iwan si Jaeger. Mahirap na at baka hindi ko mapigilan ang sarili kobg ilibing siya ng buhay.


Jaeger's POV

Lahat ng sinabi ni Mei ay tinamaan ako. Bakit siya umalis ng School? Galit ba siya sa akin? Tss! Ang gago ko. Malamang na galit siya sa akin. Pero... totoo ba yung sinabi ni Shaomei na hindi ko na ulit siya makikita at kung sakali man na makita ko siya ay huli na ang lahat?

*****

"Hijo, bakit ang aga ng uwi mo? Kasama mo ba si Czarina?"

"Mom?"

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Andyan ba si Czarina? Kasama mo ba siya?"

Iniwas ko ang tingin kay Mom saka ko sinagot ang tanong niya. "Hindi po."

"Sasabihin mo ba sa Dad mo na kayo na ni Czarina?"

"Hindi po."

Napataas ang kilay ni Mom ng dahip sa sinabi ko. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya at gusto niyang kumpirmahin ko mismo iyon.

"Wala na po kami."

Huminga ng malalim si Mom at taimtim akong pinag-masdan. Para niya akong sinusuri sa paraan ng pag-titig niya sa akon. "Hijo, may problema ka ba?""

"Wala po. Mom, akyat na po ako sa taas."

"Anak, if you need a person na makikinig sa ikukuwento mo,  just call your Mom. Okay?" Ngumiti si Mom na tila ba ipinaparating niya sa akin na magiging okay din ang lahat.

"Thanks. Nandito na po ba si Dad?"

"Oo, nandito siya pero aalis rin sa susunod na araw."

"Hindi po kayo kasama?"

"Hindi. May aayusin pa ako sa ibang negosyo natin."

Tumango na lang ako kay Mom. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Gustonko ng umakyat sa kwarto at mag-pahinga."Mom, akyat na po ako."

"Anak, sandali..."

"Why?"

"Sa Friday, ibakante mo ang schedule mo."

"Bakit po?"

Ibinaba ni Mom ang tasa niya sa center table saka nag-pakawala ng malalim na hininga. "Sandoval Family will be having a party and we are invited."

"Sandoval..." Biglang sumagi sa isip ko si Czarina. Mag-kaapelyido sila. Sandoval.

"Hijo? Ayos ka lang ba?"

"Patungkol ba sa business ang party?"

"No. Debut ng anak nila."

Nagulat ako sa impormasyong sinabi ni Mom. "May anak sila?"

"Oo." May nakita akong ekspresyon sa mukga ni Mom at hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.

"Bakit hindi ko alam? Bakit hindi lumabas sa TV, radio, o sa newspapers ang anak nila?"

"Simple lang daw kasi ang anak nila. Naki-usap daw ito na huwag munang ipaalam sa publiko na anak siya ng Sandoval, na isa siyang Sandoval. Naki-usap ito na maging independent sa buhay. Pumayag naman si Mr. Sandoval pero sa isang condtion."

"Kasabay ng debut ng anak nila ang pag-papakilala sa buong mundo na isa itong Sandoval. At kapag eighteen na ang anak nila ay hindi na ito magiging independent." Same old story. Mga situation na kinaharap ng mga ipinanganak na mayaman ngunit nais mag-karoon ng simple at normal na buhay.

"You've got it right Hijo."

"Ibig sabihin, yung anak nila ay namumuhay ng mag-isa?"

"Tama ka. Namumuhay siya ng parang isang ordinaryong tao." Tsk. Same old story.

"Ano ba ang pangalan niya?"

"Malalaman mo Anak sa Friday." Ngumiti si Mom ngunit alam kong may kakaiba sa mga ngiti na iyon.

"Alam mo po ang pangalan niya?"

"Hmm."

The way she answered my qurstion, alam kong ayaw niya sabibin ang pangalan ng babae. Ayaw ko na siya pilitin pa. Isa pa, wala rin ako pakealam sa babaeng Sandoval na iyon. "Mom, akyat na po ako."

Kahit na hindi ko nakita ang pag-tango ni Mama ay umakyat na ako at nag-tungo sa aking kwarto.

Jaeger's POV

Ang lakas ng loob ng anak ng Sandoval. Kinaya niyang mamuhay ng mag-isa. Kung ako siya hindi ko kakayanin. Sa tingin ko... mag-kaiba kami. Mag-kaibang-magkaiba. Para siyang si Pagong. Pero imposibleng siya ang anak nila Mr. Sandoval. Dahil wala naman sinasabi si Pagong sa akin. Alam kong hindi siya mag-sisinungaling. Hindi niya makakayang mag-sinungaling. Dahil mag-kaiba kami ni Czarina...  

Humiga ako sa kama at itinuon ko ang aking paningin sa kisame. "Tama ba ang desisyon kong iwan si Pagong-si Czarina? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan ako."

Alam kong mukha akong baliw sa pag-kausap sa sarili ko at natatawa ako sa ginagawa ko ngayon. Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa at tiningnan ang gallery. Unang bumungad sa akin ang stolen picture niya.

"Pagong...Ang tanging alam ko lang ay miss na kita. Miss na miss na kita." Nakaramdam ako ng likidong tumulo sa pisngi ko. Tuloy-tulot ang pag-dausdos nito sa aking pisngi dahilan upang takpan ko ang aking mga mata.

"Miss ko na siya ng sobra. Tama ba yung ginawa kong iwan siya para sa nakaraan?  Hindi ko alam... Isa lang ang malinaw sa akin... My past is back and my present is gone."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now