Chapter 17: Mr. Arrogant turns to be Mr. Sungit - Cold

19K 343 5
                                    

Czarina's POV

Ano ba ang nangyayari kay Yabang? This past few days naging masungit siya sa akin. May nagawa ba akong masama? Bakit siya lumalayo sa akin? Kausapin ko kaya? Hay... bahala ka na sa akin Batman kung sakali mang kainin ako ng buhay ng Sungit na iyon.







Pumunta si Czarina sa kuwarto ni Jaeger at dire-diretsong pumasok sa loob.





"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tiningnan ni Jaeger si Czarina.





"Yabang, mag-usap nga tayo."





"Anong tawag mo dito?" Isinara ni Jaeger ang librong binabasa umayos ng upo.





"Pwede bang tumino ka?"





"Umalis ka na. Marami pa akong gagawin." malamig na tugon ni Jaeger.





"May itatanong lang naman ako."





"GET OUT!"





"Teka! Hinay-hinay lang Dre. Puso mo malaglag, walang sasalo. Itatanong ko lang naman sana kung bakit nag-iba ka na?" Nag-gesture si Czarina ng stop kay Jaeger.





"Pakialam mo?! Huwag mo akong pakialaman dahil hindi tayo mag-kaano-ano." Umalis si Jaeger sa kanyang kuwarto at iniwang mag-isa si Czarina.





"Jaeger, saan ka pupunta? May pasok pa tayo!" Pahabol na wika ni Czarina.





Huminto si Jaeger sa pag-lakad at hinarap si Czarina.





"Anong pake ko?" Tuluyang umalis si Jaeger. Walang nagawa si Czarina kaya inayos na lang niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga gamit para sa school at tinungo na niya ang landas papuntang Princetown Academy.





"Czar! Good morning!" Masiglang bati ni Shaomei.





"Morning. Anong nangyari at bakit ang lapad-lapad ng ngiti mo?"





"Czar~ Wiiee!" Tili ni Shaomei na mukhang kinikilig.





"Ano?!"





"Bakit ang sungit mo? Wag mong sabihin na nahawa ka na sa boss mo na naging Sungit slash Cold." Tiningnan mula ulo hanggang paa ni Shaomei si Czarina.





"Kung sinasabi mo agad at di mo ako binibitin eh di sana hindi ako nag-susungit."





"K-kasi..."





"Kasi? Huwag mo ngang putulin yang sinasabi mo."





"Oyy! Ikaw porket hindi ka na masyadong pinapansin ni Jaeger, nag-kakaganyan ka na."





Nag-buntong hininga si Czarina saka seryosong tumingin sa kaibigan. "May itatanong ako. Sagutin mo. Huwag kang mag-paligoy-ligoy at higit sa lahat huwag kang mag-sisinungaling."





"Ano yun?"





"Bakit parang matagal na kayong mag-kakilala ni Jaeger?" Nanliliit ang mga matang tumingin si Czarina kay Shaomei.





"H-ha? A-ah---eh. A-ano... Di ba sikat siya, kaya ayun kilala ko na siya matagal na. Mapa-TV, radio, newspapaer, kanto, school, eskinita, CR, maski sa outer space ay nababanggit ang pangalan niya at nag-kalat ang pag-mumukha niya." Ngumiti si Shaomei sa kaibigan.





When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)On viuen les histories. Descobreix ara