Chapter 25: Going Home

15K 307 10
                                    

Nakatayo ako dalamapsigan at hinihintay ang pag-sikat ng araw. Tahimik ang kapaligiran, masarap ang simoy ng hangin.

"Lani, sandali!"

Napukaw ang atensyon ko sa isang babaeng tumatakbo palayo sa dalampasigan. Marahas nitong pinapahid ang mukha niya na tila ba inaalis niya ang mga nag-lalandasang mga luha.

"Leilani!"

Napatingin ako sa lalaking humigit sa kamay ng babae.

"I'm sorry. I don't want to hurt you..."

"But you already did!" Sigaw ng babae sa kaharap nitong lalaki.

"Look, I tried... For pete sake, I try so hard but..."

"You tried? Hah! Niloloko mo ba ang sarili mo Grei?"

"Lei..."

"Huwag mo ako tatawagin niyan!"

Tumahimik ang pagitan ng dalawa. Nag-susukatan kung sino ang unang mag-sasalita.

"I love you..." wika ng lalaki.

Ang gwapo ng mukha ng lalaki at sa tingin ko ay galing ito sa marangyang pamilya ngunit masasabi kong pinag-hihirapan nito ang anumang gustuhin. Naaalala ko ang sarili ko sa kanya.

"No. You don't. Don't fool yourself, Grei." Umiiling-iling na sabi ng babae.

Maganda ang babae. Maamo ang kanyang mukha. Bagay sila ng lalaki.

"Every damn fucking night... pangalan niya lagi ang binabanggit mo at tiniis ko iyon. Sa tuwing, mag-kasama tayo, ramdam ko na you're still longing for her."

"Please, Lani..."

"Nag-bibingi-bingihan ako sa mga narinig ko Grei. Nag-tiwala ako sayo. Pinaniwalaan kita sa lahat ng kasinungalingan mo. Ayaw ko na mahing tanga pa. Huwag ka na rin sana mag-pakatanga oa sa kanya!"

"Leilani!"

"Masakit ba masampal ng katotohanan? We're done. Good bye, Grei. I don't want to see you again."

Umalis na ang babae at naiwan ang lalaki. Pinag-masdan ko ang lalaki at nakakaramdam ako ng mabigat sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako para sa lalaki.

Lalapitan ko sana ang lalaki nang biglang may humila sa akin at agad ako niyakap. Hindi ko makita ang mukha niya ngunit sa pamamagitan ng yakap niya ay unti-unti bumigat ang talukap ng aking mga mata.

"Czarina... hindi na natin napanood ang pag-sikat ng araw. Tinulugan mo kasi. Hindi bale, okay lang. Alam ko naman kasi na pagod ka, pagod ka sa pag-dadaldal mo. Good night, my princess. Sleep tight."

Sa sobrang antok ay nginitian ko na lang ang lalaki. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa nakaramdam ako ng malambot na bagay na lumapat sa noo ko.

Agad napamulat ako at nakita ko ang mukha ni Hangin na sobrang lapit sa mukha ko.

"Oi! A-anong ginagawa mo?"

Nilayo ni Hangin ang mukha niya sa akin. "W-wala! Sa tingin mo ba gagawan kita ng masama? Asa! Hindi kita type."

Umupo ako mula sa pag-kakahiga at pinag-pagan ang aking damit. "Naninigurado lang."

"Bakit nagising ka na?"

Napatingin ako sa bintana at nakita kong may araw na. "Jaeger.... may araw na. Hindi natin napanood."

Umupo si Hangin sa katabing sofa. "Okay lang. Nakatulog ka eh."

"Sorry."

"Okay lang. Bakit nga pala ang aga mong nagising?"

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now