Chapter 5: Ride

176 7 1
                                    

ABD 5:

~●~

Magaan ang pakiramdam ni LEI
nang bumangon.

"Good morning ate Lei. " a beautiful Liyah stated.

Naupo sya sa tabi nito at nagsimulang mag almusal. Eksakto naman na dumating na rin ang ilang kapatid nito kasama si Aeron.
Sandaling nagtama ang kanilang mata pero nag iwas lamang sya at sinimulang hiwain ang bacon na nasa plato nya.

"Anyway, hija. Handa na ba ang gamit mo?"  Masiglang wika ng ina nito.

"Po?" Alanganing ani nya.

"Ayus na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman ng dad ni Aeron.

"Ah? Opo." She said politely.

"Ipahahanda ko na siguro ang sasakyan nyo kung ganoon." Napatigil sya sa pag nguya ng pagkain.

"Aeron, get yourself ready. Tatawagan ko na sina manang lourdes roon upang makapag handa sa pagdating nyo." Tatango lamang si Aeron.

Wala itong kibo kanina pa.
Ilang sandali ay nagpaalam na syang aakyat sa kwarto upang iayos ang mga damit nya.

Kinailangan nya ng tatlong maleta upang ipasok ang lahat ng gamit nya roon. Pwera pa ang isang back pack na nakasukbit sa likod nya.

Marahan nyang hinitak ang lahat ng iyun palabas ng bahay.
Nakita nya agad ang mga ito sa garahe na maayus na isinasalansan ang mga gamit na ipadadala ng mag asawa.

"Ate Lei." Sigaw ni Liyah sakanya.
Nakuha nya ang atensyon ng mga ito at ngiting humarap sakanya.

"Tss. You dont have to carry all of them. Hindi mo iyan kakailanganin lahat kayat iwan mo na." Malamig na wika ni Aeron sakanya.

"Ha? " tanong nya rito.

"Yung importante lang siguro ang dalin mo. Hindi ka naman titira ng habambuhay roon " he said in sarcasm.

"But they're all important to me. " singhal nya dito.

Nilinga nya ang mga ito. Karamihan ay hawak ang sariling cellphone at walang pakielam kung nag aaway man kami.

"Believe me. You dont need them" He said.

"No. I need all of them. " sabi nya sabay hawak ng mahigpit sa tatlong maleta nya.

Laking gulat nya ng kunin nito ang isang maleta at buksan iyun.

"Tss. Maniwala ka. Hindi mo kaylangan ang mga sapatos na ganyan roon. Dapat nga ay bota ang iyung dinala. At ano ito?" Taas kilay nitong wika habang hawak ang pares ng high hèels nya.

"High heels diba halata?" Irap nya sabay hatak ng maleta nya mula rito.

"Tsk.. you dont need them. Gaya ng sabi ko. Hindi ka rarampa roon kundi magtatrabaho." Singhal nito.

Pinanliit nya ang kanyang mga mata tsaka nagtaas ng kilay ng bigla namang umeksena ang pamilya nito.

"He's right Lei, you dont need them when you're there. " malumanay na sabi ng ina nito.

Kagat labing tumango sya dito.

Mayroon naman sigurong mall roon.

Napagpasyahan kong dalin ang kulay itim at pink na maleta at iwan ang yellow. Isang ngisi naman ang pinakawalan ni Aeron saakin..

"No. You need just one. " wika nito sabay hatak ng kulay pink na maleta nya at agad na dinala iyun sa likod ng sasakyan at isinakay iyun.

"Sanda--" hindi na nya natapos ang sasabihin ng hitakin na sya nito papasok sa loob ng sasakyan nito.

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now