Chapter 10: Broken Promise

145 4 2
                                    

ABD10

BUONG ARAW kong inisip ang kahihiyang ginawa ko sa tanang buhay ko. Ang mamili sa tiangge. Hindi ko lubos maisip na mapupunta ako sa mabaho at cheap na lugar na'yon. I'll never dream that.

Ibinalibag ko ang damit na nasa plastik lamang. Hindi ko pa tinitignan ang mga 'yon. Ayokong hawakan at lalong ayokong maamoy. Bukod sa mabaho, ang mura-mura pa.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa mini closet na naroon. Kaunting damit lamang ang nadala ko. Ang ibig kong sabihin ay kulang ang closet na mayroon rito sa kwarto. Nahagip ng mata ko ang isang pares ng boots at tsinelas na nakaplastik rin.

"Cheap" bulong ko at sinipa iyon. Isinalansan ko naman ng maayos ang sapatos kong limited edition sa shoe rack. Hindi ko ito maisusuot rito dahil baka marumihan lang ang aking baby.

Ilang katok ang aking narinig sa labas. Binusan ko iyon at mukha ni Aeron ang bumungad sakin.

"Kakain na"  ngumiti ito bago nagsalita. Malamang ay natutuwa ito dahil nainis nya ako kanina.

"Ayoko. " irap ko at akmang isasara na ang pinto ng pigilin nya yon.

"Wag kang maarte." Wika nito pero di parin naaalis ang ngiti sa labi.

"Ayoko nga sabi! Kina Mang Fernan nalang ako kakain" .

"Hindi pwede. Pabigat ka lamang aakanila kung pati ikaw ay iintindihin nila. Kaya kumain ka na." Sabi nito

"Mamaya nalang!" Sabi ko at isinara na ang pinto.

Pasalampak akong naupo sa gilid ng kama.

"I missed my mom" bumuntong hininga ako bago hawakan ang maliit na litrato namin ni mommy na nasaking wallet..

Alas sais na ng gabi. Mabuti nalang ay di ako pinagtrabaho ni Aeron buong maghapon. Nagdilig lamang ako ng mga halaman roon.

Isinara ko ang closet at muling napatingin sa plastik na nagkalat sa sahig. Inis kong pinulot ang mga yon at itinabi sa isang gilid.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Aeron na nakasilip sa glass window.
Inis kong binuksan ang pinto.

"Bakit ka  ba nang gugulat?" Irap ko

"Pinadala ni Nanay. Kumain ka na jan." Anito at inabot ang basket. Inabot ko naman yon.

"Salamat ano." Sarkastiko nitong wika. Umirap lang ako

"Welcome" sabi ko at isinara ang pinto. Isinara ko rin ang kurtina sa bintana at binuksan ang laman ng basket.

Menudo. So ordinary. Pero wala akong nagawa kundi kainin iyon. Masarap ang pagkakaluto. Di ko inaasahan na magugustuhan ko ang lasa non.

"Shit!" I cursed.

Nasagi ko ang baso ng tubig kayat tumapon ang laman non.
Naghanap ako ng basahan pero wala akong nakita. Kaagad akong tumayo at kinuha ang mga plastik ng damit.

Sa pagkuha ko ng damit mula sa plastik ay halos di ako makapaniwala sa nakita ko.

"Oh mu gosh. Is this??" Napakurap ako ng itaas kong mabuti ang damit.

Inilabas ko mula sa closet ang nakahanger kong damit na kulay black. Napatakip ako ng bibig.

"This can't be" I whispered. The cheap shirt and my expensive shirt are the same.

Magkaiba lang ang kulay non. Kulay cream kasi ang kulay ng damit na binili ni Aeron samatalang ang sakin ay itim. But they're the same. From the silk cloth , thread .

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Siguro ay kung nasakin lamang ang iphone ko ay tinwagan ko na ang designer ko at binulyawan ito.

How dare that ugly gay to used this dirty copy of my shirt. Gosh.

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now