Chapter 8

21K 437 1
                                    

"MAHINANG-MAHINA ang puso ng pasyente," the doctor informed them. "Maaaring inatake siya kaya nahulog siya sa silya."

"Hindi ko alam na may sakit sa puso si Lola Emilia," ani Robb. "She never told me." Nilinga nito si Serena na umiling.

"W-wala siyang sinasabi sa akin. Bagaman may pagkakataong napupuna kong nahahapo siya. Ilang beses ko siyang hinimok na magpatingin pero ayaw niya."

"Is she going to live?" Robb asked bluntly.

"Tinatapat ko kayo, Mr. Orlando, hindi maganda ang resulta ng mga pagsusuri. Wala kaming maibibigay na katiyakan, I'm sorry."

Serena bit her lip. Napatingin siya kay Robb. Wala pa ring emosyon ang mukha nito, ngunit napuna niya ang pag-igting ng mga bagang nito.

"Kung gayo'y wala kayong ibang magagawa?" patuloy ni Robb, kung ano man ang nadarama nito'y ikinaila ng magaspang na tinig.

"Hindi namin sinasabi ang gayon, Mr. Orlando..."

"Kailangan ba ng heart specialist? O ng paglipat sa kanya sa ibang ospital? Sa Maynila kaya? Kung iyon ang mabuti'y—"

"May espesyalista sa puso ang ospital na ito—si Dr. Romero," sagot ng doktor. "At natingnan na niya ang pasyente. Ginagawa namin ang lahat, Mr. Orlando. Kung kami ni Dr. Romero ang tatanungin mo, hindi namin ipinapayo ang paglipat sa pasyente sa kasalukuyan nitong kalagayan. Baka lalong makasama kaysa makabuti. May sapat na pasilidad ang ospital na ito para sa kalagayan niya."

Muling gumalaw ang muscle sa panga ni Robb, mas naging prominente ang pilat na nakaguhit doon. It made him look more dangerous. "Very well," he said. "Kung may anumang kailangan ang pasyente, kahit ano, please let me know."

"Makakaasa kayong gagawin namin ang lahat."

Tumalikod na ang doktor. Naiwan si Serena na sinusundan ito ng tingin. Higit kailanman, ngayon siya natakot sa kalagayan ni Lola Emilia.

"Ako na ang bahala kay Lola Emilia," ani Robb na nagpapitlag sa kanya. "Umuwi ka na at magpahinga." It was a command. At sa wari ay wala siyang karapatang tumanggi lalo na nang hawakan nito ang braso niya at igiya siya palabas.

Kumawala siya mula rito. "No. Ayokong umuwi. Paano mo naisip na magagawa kong iwan si Lola Emilia sa kalagayan niya ngayon?"

"Wala kang magagawa para sa kanya sa sandaling ito, Serena. Hindi mo siya makakausap."

"At ikaw ay mayroon?" she said hotly. "May pakinabang ba ang mga iniaalok mong kaalwanan sa buhay para kay Lola Emilia sa sandaling siya'y mamatay?" She shook her head. Hindi niya mapigil ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. "Huli na ang lahat para may magawa ka pa! Dapat ay noon ka pa umuwi para sa kanya!"

"Tumigil ka sa mga akusasyon mo!" Robb said harshly. "Pareho nating hindi gusto ang nangyari at walang buting idudulot ang mga akusasyon mo. She's my grandmother... my only family. No matter what you think, I love her."

May ilang segundo siyang hindi kumibo. She took a deep breath and said in a trembling voice. "I-I know you do. I'm sorry I yelled at you. Natatakot ako sa maaaring mangyari at... at..." Her voice trailed off, pinigil ang pagkawala ng hikbi.

"At ano, Serena?" Robb prompted.

"Ang nangyari kay Lola Emilia ay muling nagpa-nariwa sa isip ko ng nangyari sa... sa mga magulang ko at sa tiyahin ko. Mula sa Baguio, nagmamadali akong bumaba ng Manila. I came to the morgue to identify their bodies. And my aunt... she died in this hospital..." Nabasag ang tinig niya.

The harshness in his face was gone instantly. His face softened. Umangat ang kamay nito at inabot siya at dinala sa dibdib nito. "I'm sorry, Serena. I didn't realize..."

Ang iyak na kanina pa niya pinipigil mula nang matagpuan niya si Lola Emilia ay tuluyang kumawala. "She wouldn't die, would she?"

Hindi ito agad sumagot, hinaplos ang buhok niya, as tears after tears rocked her body. "I wish I could give you a positive answer, Serena..."

"Ano ang gagawin natin ngayon, Robb?" aniya, gamit ang pangalan nito sa kauna-unahang pagkakataon. Since her parents' death, no one had comforted her like this. It felt so good in his arms... so safe and so comforting.

"Maghintay ng sasabihin ng mga doktor at umasang gagaling si Lola Emilia," he said with a troubled sigh.

"It's my fault," sabi niya, muling bumukal ang mga luha sa mga mata niya. "Kung sinunod kita at maaga ko siyang pinuntahan ay baka hindi nangyari ito. I wanted to delay the inevitable, Robb. Hindi ko siya gustong sumama sa iyo... for selfish reason. I truly love her, at ayokong mawalay siya sa akin..."

"Don't blame yourself. May sakit sa puso si Lola Emilia at pilit niyang inililihim sa atin. Hindi man ngayon ay aatakehin siya sa ibang pagkakataon." Bahagya siya nitong inilayo at niyuko. "Natitiyak kong hindi ka pa naghahapunan, tara sa canteen o sa alinmang restaurant sa labas."

Umiling siya. "Hindi rin ako makakakain. Mauupo na lang ako sa waiting area sa labas ng ICU at maghintay ng balita ng mga doktor."

Nagbuntong-hininga ito. "Okay," he said with a sigh. "Bibili ako ng kape at susunod ako sa waiting area."

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now