Chapter 24

18.9K 378 3
                                    

DAHIL napuyat siya sa pag-iisip ng sinundang gabi, tanghali na nang magising si Serena. Alas-diyes ng umaga'y magkasalo sila ni Lola Emilia sa patio sa brunch nang dumating ang bagong private nurse ng huli.

Mula sa patio ay narinig niya ang malambing nitong halakhak. Pagkatapos ay ang anasang pag-uusap nito at ni Robb na tila hindi gustong marinig ninuman at pagkatapos ay ang muling tawanan.

Ilang sandali pa'y bumungad na sa entrada ng patio sina Robb at ang bagong private nurse. Halos manlaki ang mga mata niya nang matitigan ito. Mas angkop itong artista sa pelikula kaysa sa nurse. Napakaganda nito. Mestisa. Walnut-blonde ang mahaba nitong buhok, artfully tousled—na tila yaong sa modelo ng buhok sa magazine.

Maganda ang hubog ng katawan na binigyang-diin ng hapit na damit. Mamula-mula ang makinis na kutis. Ang sabi ni Robb ay treinta na ang edad nito. Pero sa nakikita niya rito ay siya ang mas mukhang treinta kaysa rito.

Robb made introductions. Marahil ay nasabi na ni Robb kay Yvette ang tungkol sa kanila ni Robb. Pero sa paraan ng mapanuri nitong tingin sa kanya, Serena wondered angrily if Robb had revealed to this woman the circumstances of their marriage.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now