Chapter 10

20.1K 401 0
                                    

SHE DIDN'T intend to sleep again, but she did. Naalimpungatan siya sa maingat na pagkilos ni Robb, at ang banayad na paghaplos nito sa buhok niya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nasalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" he asked almost lazily.

"A-ahm... no... yes!" nauutal niyang sagot, naiilang sa intimacy ng ayos nilang dalawa at sa pagkapahiyang nararamdaman niya, lalo at nakaguhit sa mga mata nito ang kaaliwan.

Parang walang anuman dito na nakayakap ito sa kanya, na magkahulma ang kanilang mga katawan. Marahil ay sanay itong nagigising na nasa bisig ang isang babae kahit hindi nito gaanong kilala—tulad niya. They were near-stranger, she thought angrily. Gayunma'y hindi niya makuhang pangibabawin ang galit.

"I-it's morning..." she stated the obvious. Kumawala mula rito at tumayo. "Hindi kaya dapat nating alamin kung ano na ang nangyari kay Lola Emilia?"

He smiled faintly. Iniunat nito ang katawan, isinuklay ang mga daliri sa buhok at pinagpag ang suot upang tuwirin ang pagkakalukot. He didn't look as if he had just spent the night on a bench in a hospital waiting area. He looked fit and ready.

"I'll check on my grandmother. Pagkatapos ay mag-almusal tayo. We both didn't have supper."

Tumango siya. At nang makatalikod si Robb ay mabilis niyang tinungo ang ladies' room. She was glad to be out of his disturbing presence.

Nang bumalik siya sa waiting area ay naroon na ito at hinihintay siya. Wala pa rin itong balita kay Lola Emilia. Niyaya siya nito sa canteen. Tahimik silang kumakain. Wala namang dapat pag-usapan. Ni walang bagay na nag-uugnay sa kanila maliban kay Lola Emilia.

Ni hindi nga masasabing magkaibigan sila. Ang pinaka-intimate na pangyayaring pinagsaluhan nila ay ang pagtulog na iyon sa magdamag. Na hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang mukha niya kapag sumasagi sa isip.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now