Chapter 13

19.9K 410 0
                                    

KAHIT pagod at puyat ay hindi rin magawang magpahinga ni Serena. Inabot si Alfred ng dilim sa bahay niya dahil may ilang kaibigan at kakilala si Lola Emilia na dumalaw at nangumusta.

Nang nag-iisa na lang siya ay lalong tumindi ang takot niya para sa matandang napamahal na nang husto sa kanya. Lumipas ang magdamag na halos wala siyang itinulog. Naroon ang agam-agam na maaaring tumawag si Robb at hindi maganda ang balita nito.

Kinabukasan ay masakit ang ulo niya nang magising. Inawat niya ang sariling magtungo sa ospital. Ni hindi pa man kumukulo ang tubig na isinalang niya para sa thermos nang may pumaradang sasakyan sa harap ng bahay.

Si Robb. Dali-dali niyang nilabas ito. "A-ano'ng balita?"

"Wala pa ring pagbabago," sagot nito. "Bumalik ako kahapon pero alas-sais na'y nasa harapan pa rin ng bahay mo ang sasakyan ng bisita mo."

Sandali siyang napahinto sa paglakad niya pabalik sa kusina sa narinig na animosity sa tinig nito. Gusto niyang pangatwiranan kung bakit gabi na'y naroon pa rin si Alfred kahapon pero minabuti niyang huwag na lang.

Wala itong pakialam kung inabot man ng gabi sa bahay niya si Alfred. Kung tutuusin ay naging bastos ito kahapon dahil basta na lang pinaharurot ang sasakyan nang hindi nagpapaalam.

"Nagtitimpla ako ng kape nang dumating ka," sa halip ay sabi niya at ipinagpatuloy ang paghakbang pabalik sa kusina. "Ikaw?"

"Coffee's fine, thank you," sagot nito at sumunod sa kanya. Hinila nito ang silya sa dining table at umupo.

Sinulyapan ito ni Serena habang inihahanda ang dalawang mugs. Nangingitim ang paligid ng mukha nito sa dalawang araw nang tubo ng balbas. A few more days without shaving and he would exactly look like the Robb she had seen in the magazines. Except that he looked tired and haggard.

Natitiyak niyang hindi rin ito nakatulog nang maayos. May awang humaplos sa dibdib niya para dito. "Ano ang sabi ng mga doktor?" Inilagay niya sa harapan nito ang mug ng kape.

"Tulad pa rin ng dati. My grandmother's fighting, Serena," wika nito, inabot ang kape at marahang humigop. "Kaninang umaga'y hinahanap ka niya."

Napasinghap siya roon. "Is it a good sign? Nagsalita ba siya?" Naupo siya sa katapat na silya.

Umiling si Robb. "She's too weak to talk but she uttered your name in a slur."

"Kung gayon ay hindi ibig sabihin nito na—"

"Makaka-recover siya? No," matabang nitong sabi. "Ibig sabihin ay kailangan nating patagalin nang kaunti ang pagkukunwari natin."

Hindi niya maunawaan ang sarili, dahil bigla'y parang ikinagagalak niyang magpapatuloy sila sa pagpapanggap.

"S-sa palagay mo kaya ay naaalala niya ang mga sinabi natin sa kanya kahapon?"

"Hindi ko matiyak." He paused, then looked at her. "Bakit, hindi mo ba gustong maalala niya?"

Napabuntong-hininga siya. "Natural na gusto kong maalala ni Lola Emilia ang mga sinabi natin kung makapagdudulot iyon ng kaligayahan at kapayapaan ng isip niya, Robb. Iyon lang ang maaari nating ibigay sa kanya sa kalagayan niya ngayon."

"Nabanggit mo ba sa kaibigan mo ang tungkol sa kasunduan natin?"

"Sinong kaibigan—" Napahinto siya sa pagsasalita nang matanto kung sino ang tinutukoy nito. "Hindi ko kailangang sabihin sa iba ang ginawa natin." Bahagya siyang napasimangot. Ano ba naman ang palagay nito? Na ipamalita niya ang tungkol sa deception nila kay Lola Emilia?

Tumayo siya bitbit ang mug. "Magbibihis lang ako sandali. Hintayin mo ako at sasama ako pabalik sa ospital."

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now