Chapter 20

21.2K 460 6
                                    

LIHIM siyang nagpasalamat nang sa wakas ay nakasakay na sila sa sasakyan nito upang magtungo sa bagong bahay sa burol. Isinandal niya ang ulo sa headrest at pumikit.

Ngayon niya naunawaan kung bakit hindi nagtatanong si Lola Emilia kung ano ang plano nila pagkatapos ng kasal. Alam nito ang tungkol sa pagbibili ni Robb ng bahay. If this was a real marriage and Robb loved her, then indeed, it would have been a lovely surprise. Pero mas nararamdaman niyang nadaya siya dahil naiwan siyang walang kaalam-alam.

She opened her eyes and turned to her husband. Nakatuon ang pansin nito sa pagmamaneho. Wala na ang karismatiko nitong ngiti.

"Most brides would be delighted na magkaroon ng bagong bahay sa araw ng kanilang kasal," nang-uuyam nitong sabi. "Pero sa nakikita ko sa iyo'y mukhang sa slaughterhouse ka dadalhin."

She opened her mouth to say something scathing but closed it again. They were on the road. At may mga sasakyang nakasunod sa kanila kasali na roon ang sasakyan ni Dr. Romero kung saan nakasakay si Lola Emilia at ang temp nurse.

Lumiko sila sa isang makitid at paakyat na daan at pumasok sa hilera ng naglalakihang mga puno na siyang daan papasok sa bago nilang bahay. Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang dating mansiyon ng mga Perezes. Para iyong hari na nakatayo sa ituktok ng burol.

Bumusina si Robb at ilang sandali pa'y may lalaki nang tumatakbo patungo sa malalaking wrought iron gates at binuksan iyon.

The house was awe-inspiring, a huge structure of angled rooftops, decks, massive stone and wide expanse of glass. Elegante rin ang landscaping; idinisenyo ang mga puno, halaman, mga bato para umangkop sa natural na kapaligiran.

Ipinarada ni Robb ang sasakyan sa harap mismo ng bahay at bumaba. Sumunod siyang bumaba. Hindi niya hinintay na umikot ito upang pagbuksan ng pinto.

"Ano ang masasabi mo?" he asked.

"It's beautiful," she said almost unwillingly. "Sa palagay mo'y iiwan ni Lola Emilia ang bahay niya?"

"This mansion is preferable than going to America." His smile was without humor. "Sa sandaling tuluyan siyang gumaling ay madali na para sa kanya ang magpunta-punta sa dating bahay. Napag-usapan na namin ang bagay na iyan."

May narinig siyang busina sa gate subalit bago niya nalingon iyon ay bigla siyang pinangko ni Robb.Nilapitan siya nito at bigla siyang pinangko.

She looked up into his amused eyes in astonishment. "A-ano'ng ginagawa mo?" manghang bulalas niya.

"Following tradition. Carrying my bride across the threshold."

"There is no tradition in this farce of a marriage, Robb," she hissed. "Put me down!"

He grinned at her. "Shut up, Mrs. Orlando and enjoy this moment."

Napakapit siya sa leeg nito nang humakbang na ito patungo sa portico. Despite everything, she felt a wild surge of excitement. His face was only inches from hers, her body pressed almost painfully against his chest.

At ni hindi lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya nang buksan nito ang malaking pinto. She was breathless. Sila lamang ang naroroon sa napakalaking bahay na iyon. Wala nang dahilan para magkunwari si Robb. Yet he was looking at her with a strangely raw, hungry look.

Nang bigla'y marinig niya ang busina ng sasakyan. Nang lumingon siya'y ipinaparada na ng driver ang kotse ni Dr. Romero sa likod ng Pajero. Naglahong bigla ang excitement niya. Of course, Robb prepared that little scene for his grandmother—the happy groom carrying the blushing bride across the threshold.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now