Chapter 19

19.8K 432 1
                                    

IT COULD have been a beautiful wedding. Kahit sinong nagmamasid ay iisipin na napakasaya nila ni Robb sa araw na iyon. Lalo na at naroon si Lola Emilia, tila isang donya sa damit nito, habang si Miss Solis, isang temp nurse, ay nasa likod ng wheelchair nito.

Iyon lang ang konsolasyon ni Serena sa lahat ng iyon. Their deception helped the old woman to recover slowly. Taglay ng kasalang iyon ang lahat ng pinangarap niya. At umikot ang usap-usapang sadyang umiiwas si Robb sa publicity kaya nagpakasal sa maliit na bayan ng Sta. Fe.

At na talagang na-in love ito sa kanya dahil di-maitatangging maganda rin naman siya kaya hindi imposibleng nahulog ang loob nito sa kanya sa sandaling panahon. Na pinalalim ng malimit nilang pagsasama nang maaksidente si Lola Emilia.

Para siyang nasa kawalan, tila isang robot na naka-program na sumusunod sa agos ng mga pangyayari. Ni hindi niya matandaan kung paano niya sinambit ang wedding vows. Naramdaman na lamang niyang may nag-angat ng veil niya at natambad sa kanya ang makisig na mukha ni Robb. At tila malulunod siya sa pagkakatitig nito sa kanya.

He swept her into his arms, pulled her close against him as he angled his head to kiss her. Hindi iyon isang dampi o madaliang halik na tulad ng ginawa nito nang nasa silid sa ospital sila, kundi isa iyong mainit at nakatutupok na halik. The passion and desire in that kiss was too obvious to the observer.

Nag-flash ang camera sa pagkuha ng larawan.

Sa wakas ay pinakawalan siya nito. Her mouth felt seared and bruised. Waves of heat coursed through her body. She felt nude, exposed, sa harap ng lahat ng mga taong iyon. Pero sa kabila ng lahat ay naroroon ang matinding pag-asam at pananabik na muli siyang mabilanggo sa mga bisig nito.

She was still trembling when Alfred shook her hand and congratulated them both. Sumunod ang ilang mga kaibigan at kakilala nila ni Lola Emilia. Natapos ang kasal na tila siya lumulutang sa alapaap.

Sa isang restaurant sa kilalang hotel isinagawa ang reception. Ginawa ni Serena ang lahat para magmukhang masaya. Tulad sa isang mahusay na aktres na ginagawa ang papel niya sa paglinlang sa lahat ng naroroon.

At gayundin si Robb. Kung titingnan ay parang ito ang pinakamaligayang lalaki sa balat ng lupa sa pagpapakasal sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya, malambing, charming. At hindi iisipin ng sino man na isang pagkukunwari lamang ang lahat kung titigan siya at ngitian nito.

Sa mga sandaling iyon ay nananakit na ang kanyang bibig sa malapad na ngiting nakaplaster doon. She was tired and sick of it all.

Natuon ang mga mata niya kay Lola Emilia na kinakausap ng ilang mga kakilala nito. Then she realized, bagaman nakangiti ito ay nakalatay na ang kapaguran sa mukha nito.

"Napapagod na si Lola Emilia," nag-aalalang bulong niya kay Robb. "Let's end this, please."

Sinulyapan nito si Lola Emilia. Kumunot ang noo nito at pagkuwa'y tumango. Hinawakan siya sa braso at iginiya palapit kay Lola Emilia. Ang mayor sa bayang iyon na siyang kausap ni Lola Emilia ay tumayo at nginitian sila.

"Lalabas ba ng bansa ang mga apo mo para sa honeymoon, Emilia?" tanong nito. "O kasama ka nila sa pagbabalik sa America?"

Si Robb ang sumagot. "Sa kalagayan ni Lola Emilia ay hindi kami maaaring umalis, Mayor..." Masuyo nitong nginitian ang abuela. "At dahil hindi naman gugustuhin ni Lola na iwan ang Sta. Fe, naisip kong baguhin ang mga plano ko at bumili ng bahay rito sa Sta. Fe, kung saan ginugol ko ang ilang taon ng aking kabataan kasama ni Lola... at dito ko rin natagpuan ang babaeng nagpatibok sa aking puso..."

Kung hindi napigil ni Serena ang sarili'y baka napasinghap siya. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Robb sa baywang niya. Then he turned and smiled at her. She was too bewildered to smile back, lalo at ang atensiyon ng maraming bisita—who more looked like adoring fans than visitors—ay natuon na kay Robb.

"Isang magandang pagkakataon na sa pagbabalik ko'y kasalukuyang ipinagbibili ang bahay ni Congressman Perez sa burol at ipinasya kong isang magandang sorpresa iyon para sa aking maybahay kung iyon mismo ang bibilhin ko..." Isa uling masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. At naririnig niya sa paligid ang "ohh" at "ahh." Lalo na at hindi niya naitago ang pagkabigla.

Alam niyang matagal nang ipinagbibili ang propyedad na tinutukoy nito dahil nag-migrate na sa ibang bansa ang dating mga may-ari. Pero hindi siya makapaniwalang binili ni Robb iyon. Huwag nang sabihing ang bahay at ang lupang kinatitirikan niyon ay nagkakahalaga ng malaking kayamanan.

Niyuko ni Robb si Lola Emilia at ginagap ang kamay. "My grandmother knows this. Kasama siya nang kausapin ko ang abogado noong isang linggo upang ma-finalized at paglilipat sa pangalan ko ng propyedad. And as you can all see it..." He said smiling charmingly, "totoong isang malaking sorpresa ito para sa aking maybahay."

Again some friends were congratulating her but everything went in a blur. Inside, she was trembling. Minsan pa ay nabitag siya! Hindi pa tapos ang ordeal niya. Hindi lang kailangan niyang magpatuloy sa pagkukunwaring iyon kundi kailangan pa niyang tumira kasama ng lalaking responsable sa lahat ng iyon!

Atsino ang makapagsasabi kung saan patungo ang lahat ng ito? Sinulyapan niya siRobb, ngunit nakatuon ang pansin nito sa mga panauhin habang nagpapaalam.    

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now