Chapter 23

19.8K 414 0
                                    

"SERENA, wait!" tawag ni Robb matapos ibaba ang telepono. Nagmamadaling hinabol siya nito. Nasa unang baitang na siya nang mahawakan siya nito sa baywang. "Saan ka pupunta?"

"Sa itaas. Pero hindi sa silid mo kung iyon ang iniisip mo." Sandali siyang nag-atubili. Hindi niya gustong ipakita ang kuryosidad pero hindi niya maawat ang sarili. "Iyon ba ang private nurse na kahalili ni Miss Solis?"

Tumango ito. "Nasa bayan siya sa isang hotel doon. Bukas na siya makararating dito."

"She sounded... young. I expected her to be of middle-aged, base sa sinasabi mong description." Capable and experienced... Gusto niya ngayong pagdudahan kung saan ba mahusay at makaranasan ang Yvette na ito, she thought wildly.

"Yvette's thirty. Hindi ganoon kabata. Private nurse na siya sa nakalipas na walong taon."

Biglang gumuhit sa isip niya na "Robb" ang itinawag nito rito at hindi "Mr. Orlando."

"And you are on first-name basis?"

"Hindi kailangang maging pormal, Serena. Ang sabi ko sa iyo'y naging nurse ko siya ng anim na buwan..." he said impatiently. "At may utang-na-loob ako sa kanya. Sa kanya nanggaling ang ideya na isulat ko ang nangyari sa akin..." Humigpit ang braso nito sa baywang niya at hinapit siya. "Look, I'm really not that interested in talking about my grandmother's nurse right now."

Naisara na niya ang mga butones ng blusa niya pero nanunuot pa rin ang init ng hubad nitong katawan sa balat niya. She steeled herself to ignore the wild response that threatened to rise and engulf her again.

"A-alam ba niya na kasal ka na—tayo?"

Nag-atubili ito, nangunot ang noo. "No, I suppose not." Pagkatapos ay muli siya nitong hinagkan sa leeg, gently biting her earlobe. "Bumalik tayo sa sofa, Serena..."

Stars danced dizzily inside her head. She wanted to go with him, ached to abandon everything in a wild ecstacy of lovemaking. She loved him—he wanted her.

At natitiyak niyang hindi iyon pagkukunwari lamang sa bahagi ni Robb para sa kapakanan ni Lola Emilia. He wanted her. Nararamdaman niya iyon sa bawat himaymay ng katawan nito.

But that was just it, she thought in despair. She loved him, but he only wanted her.

"Papanhik na ako," determinadong sabi niya, "sa sarili kong silid."

Umangat ang ulo nito. "What is this? A few minutes ago you were as eager as I am." Half-angrily he added, "At huwag mong kalimutang legal tayong mag-asawa."

"No, hindi totoong mag-asawa."

His lips twisted. "Hindi mo ba taglay ang hinahangad ng kahit sinong matinong babae? Ang lisensiya sa kasal, seremonya, ang mga singsing sa iyong daliri. At hindi biro ang halaga niyan."

Napasinghap siya sa ipinahihiwatig nito—na isa siyang bagay na binili at binayaran. She struggled to free herself from his grip that had changed from caressing to cruel.

"Hindi ko naiintindihan ito, Serena," marahas nitong sabi. "I know you wanted me as much as I want you." Upang patunayan ang sinabi'y itinaas nito ang kamay at dinama ang dibdib niya. Napasinghap si Serena. Unwittingly, her traitor body arched towards him.

"See what I mean?" he said mockingly. "Kusang tumutugon ang katawan mo sa akin, Serena. It's pointless to fight it." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Loosen up," magaspang nitong sabi. "Gusto mo rin ako tulad ng paghahangad ko sa iyo. We might as well get something out of this marriage trap."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nag-iisip ito kung paano makikinabang sa "marriage trap" na iyon! At siya ang "something" na gustong pakinabangan nito na tila alipin na susunod sa bawat maibigan nito!

"How... how could you be so calculating?" she said, trembling in anger. "First, you emotionally blackmailed me into marrying you. Pangalawa, inilahad mo sa akin ang prenuptial agreement upang tiyaking hindi ako makikinabang sa pagsasamang ito—na para bang ako ang may pakana nito at para din bang hahangarin ko ang anumang pag-aari mo! Third, you want to turn this farce of a marriage into a real wedding night! You want to take all the gains by taking advantage of me. You... you son of a—"

"Watch out, Serena," mapanganib nitong babala bago pa niya matapos ang sasabihin. "Kanina, hindi kita pinilit... higit ka pang masigasig kaysa sa akin," he said ruthlessly. "Had it not been for that phone call, you would have given yourself to me so willingly. Kaya ipagpaumanhin mo, I must really be so cork-witted tonight, dahil hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit...

"At kung ang pagtugon mo sa akin ay itinuturing mong pananamantala sa bahagi ko..." He paused, raked his eyes through her body maliciously. "Then, darling, you're the biggest hypocrite I have ever known!"

Nagpupuyos na umangat ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ni Robb. Napaatras siya papanhik sa ikalawang baitang sa ginawa. Hindi siya makapaniwalang may sinaktan siyang tao.

Nag-isang linya ang mga mata ni Robb. Tumaas-bumaba ang dibdib sa pinipigil na galit. Somehow, may nadama siyang takot sa anyo nito. Mabilis siyang tumalikod at patakbong pumanhik sa itaas pero hindi sa master bedroom kundi sa kabilang silid at mabilis iyong sinusian. Huli na nang matantong ang mga gamit niya'y nasa kabilang silid pa.

Humiga sa kama si Serena at niyakap ang isang unan. How could she have fallen in love with such a calculating, arrogant man? she thought agonizingly.

Gayunman, sa kabila ng lahat, ay hindi niya maalis sa isip ang nangyari sa ibaba. Hindi niya maiwasang isiping sana'y hindi na lang niya sinagot ang telepono...

Napaungol siya. She must really be mad!

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now