Chapter 29

19.7K 412 1
                                    

INGAY ng pagbubukas ng venetian blinds ang nagpagising kay Serena. Tinakpan niya ang mga mata nang masilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana.

"M-magandang umaga po, ma'am," bati ni Melba sa nanginginig na tinig. "Ipinagigising po kayo ni sir Robb..."

Ibinaon niya ang mukha sa unan. May pakiramdam siyang wala pang isang oras mula nang matulog siya. "Anong oras na ba? Kung gusto niyang bumaba ako sa almusal—"

"Wala na po si Lola Emilia, ma'am..." putol ni Melba sa sinasabi niya.

She went still. Pagkuwa'y bumalikwas ng bangon. "Ano ang sinasabi mo, Melba?" Gustong mabasag ng dibdib niya sa kaba. Nang hindi sumagot si Melba ay halos madapa siya sa pagbaba sa kama at patakbong lumabas ng silid.

Sa ibaba, sa silid ni Lola Emilia ay hinarang siya ni Robb nang magtangka siyang pumasok. "Bitiwan mo ako! Gusto ko siyang makita!"

"Sshh..." alo nito, niyakap siya. "She died in her sleep, Serena," wika nito sa gumagaralgal na tinig. "If it's of any consolation, she looked peaceful and happy."

Napasubsobsiya sa dibdib nito at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdamanniya. Ang nag-iisang taong nagmamahal sa kanya ay wala na. Tuluyan nang nawala ang kaisa-isang dahilanng pananatili niya sa bahay na iyon... sa piling ni Robb.    

Love Trap by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon