Chapter 11

21K 477 0
                                    

"I WISH we could be more encouraging," sabi ng cardiologist na tumitingin kay Lola Emilia nang makipagkita sila rito pagkagaling sa canteen. "Though we were surprised she survived the night. But we couldn't promise you anything. Hanggang ngayon ay mahina pa rin ang puso niya."

Napaungol si Serena. Sinikap pigilin ang paghikbi.

"May malay ba siya, doktor?" tanong ni Robb.

"She woke up this morning when I came to check on her. Pero duda ako kung may kamalayan siya sa nangyayari sa paligid niya."

"M-maaari ba namin siyang makita?" tanong niya.

Sandaling nag-isip ang doktor bago tumango. "Wala akong nakikitang dahilan para pigilan kayo. Sige, ibibilin ko sa nurse na dalhin kayo sa pasyente ngayong umaga."

Sa himig ng doktor ay ipinahihiwatig nitong binibigyan lang sila nito ng huling pagkakataon na makitang buhay pa si Lola Emilia. Nag-init ang sulok ng mga mata ni Serena.

Sumunod siya sa doktor nang tumalikod ito. Subalit bago siya makadalawang hakbang ay naroon na ang kamay ni Robb sa braso niya at hinila siya pabalik.

"Why?" nagtatakang tanong niya. "Hindi mo ba gustong makita si Lola Emilia?"

"Yes, of course, I do," seryoso nitong sabi, nakakunot ang noo at lumalim ang mga gatla roon.

"Gusto mo ba siyang makita nang mag-isa muna?" nakakaunawang tanong niya.

Umiling ito. "No, Serena. It isn't like that," he said gruffly. "Kagabi pa ako nag-iisip. Alam mo bang mula nang dumating ako'y hindi miminsang sinabi sa akin ni Lola Emilia na... na ligawan kita?"

"W-what?"

Tumango ito kasama ng malalim na paghinga. "Noong umagang umalis ako patungong Maynila ay bahagya kaming nagtalo dahil muli niyang iginiit sa aking ligawan at suyuin kita..." he paused, habang hindi malaman ni Serena kung tama ba ang naririnig niyang sinasabi nito.

"Nakita ko ang paglatay ng sama ng loob sa mukha niya bago ako makalabas ng pinto. So I turned around, kissed her cheek, and promised her that I would talk to you when I come back from Manila..."

"S-saan patungo ang sinasabi mong ito?"

"Gusto kong bumawi, Serena," he said seriously, agonizingly. And Serena's heart went out to him. Hindi nga lang niya alam kung paano ito makababawi. "Ayokong mamatay si Lola na masama ang loob sa akin. Hindi ko gustong dagdagan ang usig ng budhing dinadala ko."

"A-ano ang maaari mong gawin?" nalilitong tanong niya.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kung may malay si Lola sa pagpasok natin sa ICU ay gusto kong sabihin sa kanyang sinunod ko ang kagustuhan niya... na magkasintahan na tayo at nagpaplanong pakasal..."

"What?!"

"Yes, Serena," patuloy nito na humigpit ang pagkakahawak sa mga balikat niya. "Natitiyak kong ikagagalak ni Lola ang balitang iyon."

She stared at him in openmouthed astonishment. "You can't be serious! We just can't go in there and lie to her!"

"I want to make her last hours happy!" giit nito, almost angrily.

"B-but lying to her—deceiving her—"

"Don't you think making her last hours happy worth the deception?"

"Paano kung hindi naman pala nauunawaan ni Lola Emilia ang sinasabi mo? Paano kung wala naman siyang malay?"

Binitiwan nito ang mga balikat niya. "Kung ganoon, di wala kang aalalahanin. Wala tayong sasabihin. Pero kung may malay siya, naiintindihan man niya o hindi, ipaaalam ko sa kanya. Maaaring sa kaibuturan ng isip niya'y maririnig niya ang katuparan ng mga pangarap niya."

It was wrong to deceive a dying dear old woman. And yet if it would make her happy on her last hours would it not make it right? Pero kaya ba ng budhi niyang dayain ito?

"No, Robb," she said, shaking her head. "Hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari."

His eyes narrowed. Anger crossed his eyes. "Alam mo bang walang bukambibig si Lola kundi ikaw sa nakalipas na mga taon? That you're sweet and decent; a nice little girl every mother hopes her son will bring home as a wife. My god, Serena, the way my grandmother described you, you could win The Nicest Girl In Town award..." Puno ng pang-uuyam ang tinig nito.

"Kung magsalita ka'y parang isang kadiri-diring sakit na maging matino ang isang babae!" she snapped.

Nagkibit ito ng mga balikat. "It isn't as if I had been planning to marry you. Gusto ko lang maging maligaya ang mga huling sandali ni Lola. And I thought that is what you want, too. But I guess I was wrong." Tinitigan siya nito, nanunuri ang mga mata... nananantiya.

"My grandmother said your shop's doing well. But money is never enough, Serena." He sneered. "Magkano ang kailangan mo upang matanggap ng konsiyensiya mo ang kapirasong kasinungalingan..."

Nanlalaki ang mga matang napatitig dito si Serena. Shock and fury struggling her effort to speak. "How dare you offer me money! Hindi ko tatanggapin ang salapi mo kahit na ikaw pa—kahit na ikaw na lang ang—" Her words failed her in anger. Ikinuyom niya ang mga palad nang mahigpit. Hindi siya bayolenteng tao pero gusto niyang kalmutin ang mukha nito sa sandaling iyon.

Umangat ang mga kilay ni Robb, undaunted by her anger. "Bagong twist ba iyan sa lumang cliché na: 'I wouldn't marry you if you were the last man on earth?'"

"You're despicable!" singhal niya rito. Saan na napunta ang pagkakasundong namagitan sa kanila sa magdamag? Paano siya nakaramdam ng awa rito sa dinanas nito? Lahat ng magagandang kaisipan niya para kay Robb ay tinangay lahat ng hangin sa matinding galit niya.

"Hindi ang karakter ko ang pinag-uusapan natin dito, Serena," magaspang nitong sabi. "Papayag ka ba sa gusto kong mangyari o hindi?"

Tumigas ang mukha niya, naniningkit ang mga mata. "Wala akong pagpipilian kundi sumang-ayon. Pero pagkatapos nito'y hindi ko na gustong makita pa ang pagmumukha mo!"

Love Trap by Martha CeciliaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ