Chapter 28

20.5K 424 7
                                    

NALAMAN ni Serena mula sa mga katulong na maghapong nagkulong sa den si Robb. Lumabas lamang nang tingnan ang abuela. Kahit sa hapunan ay hindi ito sumalo at pinahatiran na lang ng pagkain sa den.

"Hay, naku..." Yvette said. "Ganyan talaga si Robb kapag nagtatrabaho, hindi mo maaabala. Duda pa nga ako kung mapapansin niya ang pagkaing inihatid sa den."

Muli ay gumuhit ang matinding panibugho sa dibdib niya. Lumalabas na mas wala siyang alam sa asawa niya. At sa inis niya'y hindi niya napigilan ang lumabas sa bibig niya.

"Were you lovers before?" Lihim siyang napaungol sa tanong na iyon.

Pero ni hindi nagkunwaring nagulat si Yvette. Puno ng kahulugan ang ngiti nito. "Why don't you ask your husband?"

Hindi siya kumibo. Bigla'y nawalan ng lasa ang lahat ng pagkain sa harap niya.

"I don't mean to be insulting, Serena," wika nito. "Oh, you're pretty in your own way. Simple and..." Nagkibit ito ng mga balikat "... domesticated, for the lack of right word. And I was surprised when Robb introduced you as his wife. You don't seem the type Robb would fall into."

"Oh, I know what you mean," Serena muttered sweetly. "Pero ang type na sinasabi mo ay iyong uri ng mga babaeng kinaaaliwan ng mga lalaki sa kanilang kabinataan. Pero hindi ang uring pinakakasalan." That was bitchy of her yet for the first time since Yvette arrived Serena was pleased with herself. Lalo na nang biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito.

"Isang linggo na akong mahigit dito pero napupuna kong para kayong hindi mag-asawa ni Robb," komento nito, nang-iinis ang ngiti. "Ang isa ko pang napupuna ay malambing kayo sa isa't isa sa tuwing kaharap ninyo si Lola Emilia. Hindi ko tuloy maiwasang pag-isipan ang dahilan ng biglaang pagpapakasal ni Robb..."

Ikinagagalak ni Serena na sila lamang ni Robb ang umookupa sa ikalawang palapag. At kung napuna man ng mag-anak na Julio, Aning, at Melba, na magkaiba sila ng silid ni Robb ay nanatiling walang komento mula sa mga ito.

"Mayaman ang imahinasyon mo, Yvette. Hindi lahat ng tao ay hantarang nagpapakita ng kanilang mga emosyon..."

Yvette shrugged her shoulders. Tinapos na rin niya ang pagkain. Ipinasya ni Serena na kausapin si Robb nang gabing iyon. Kung tungkol saan ay hindi niya matiyak. Hinintay niyang pumanhik ito sa silid nito.

Naupo siya sa settee sa silid niya at inabala ang sarili sa pagbabasa ng paperbacks na hindi naman niya naiintindihan. Hinihila na siya ng antok nang marinig ang mga yabag nito patungo sa master bedroom.

Nagmadali siyang bumangon at lumabas ng silid patungo sa silid nito. Marahan siyang kumatok at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Ang malamlam lang na ilaw sa corner lamp ang nakasindi at nakita niyang naghuhubad ito ng damit.

Bahagya pa itong nagulat nang malingunan siya pero nagpatuloy sa paghuhubad. Serena watched, mesmerized. He was a bronzed god in the dim light.

"Gising ka pa?" wika nito, inihagis sa silya ang polo shirt.

"Gusto kitang makausap..." Tinitigan niya ito. He looked tired. At noon lang niya napuna na ilang araw na itong hindi nag-aahit. "Kumusta ang... ang sinusulat mo?"

Umangat ang mga kilay nito. "Hinintay mo ako nang ganitong oras para lang kumustahin ang sinusulat ko?" Disbelief and amusement laced his voice.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now