Chapter 12

19.9K 418 0
                                    

HANGGANG sa makalabas sila ng ICU ay patuloy pa rin sa malakas na tibok ang dibdib ni Serena. Then she realized she was still holding Robb's hand tightly as if her very life depended on it.

Mabilis siyang bumitaw, expecting Robb to glare at her. Pero tila bale-wala rito ang ginawa niya, ang mga mata nito'y nakatuon sa kabilang direksiyon na parang hindi nito gustong magpakita ng anumang emosyon.

Nabawasan ang galit niya rito nang kausapin na nito ang abuela kanina. He had been gentle. His voice was soft and soothing as he told his grandmother about them. Na magpapakasal sila sa sandaling gumaling ito. Pagkatapos nitong magsalita ay tinanguan siya upang siya naman ang kumausap dito.

"Sa palagay mo kaya ay naunawaan tayo ni Lola Emilia?" mahina nitong tanong habang naglalakad sila palabas ng ospital.

Hindi siya kaagad sumagot. Iyon din mismo ang tanong na naglalaro sa isip niya. Kaninang pumasok sila sa ICU ay nakapikit si Lola Emilia, maputla at kung anu-anong tubo ang nakakabit sa katawan.

Subalit nang magsimulang magsalita si Robb ay nagsikap itong magmulat ng mga mata. Mahinang kumilos ang yayat at maugat nitong kamay at sinikap abutin ang apo.

Halos magkasabay nilang ginagap ni Robb ang kamay nito at masuyong hinaplos iyon. And then Robb spoke softly; na sinunod nito ang gusto ng abuela; na magkasintahan na sila ni Serena at nagbabalak na magpakasal sa sandaling gumaling ito. Pagkatapos ay nilingon siya ni Robb upang siya naman ang magsalita. A warning glittered in his eyes.

Nakapikit na uli si Lola Emilia nang yumuko siya at masuyo itong hagkan sa pisngi. Sinegundahan niya ang sinabi ni Robb. At bagaman walang reaksiyon mula rito ay nahuli niya ang bahagyang-bahagyang pagkibot ng bibig nito na kung wariin niya'y ngiti.

Nagbuntong-hininga si Serena. "I believed she heard us," mabigat niyang sabi.

"Good," he said unemotionally. "Mission accomplished. Ihahatid na kita sa inyo. Tatawagan kita ano man ang balita."

Gusto niyang umuwing mag-isa at mag-isip pero hindi niya gustong makipagtalo rito. Tumango na lamang siya. Sa kalahating oras na biyahe pauwi sa Sta. Fe ay wala silang kibuan.

"May bisita ka," wika nito nang malapit na sila sa gate ng bahay niya.

"Si Alfred, ang kaibigan kong pintor," she said, her tone defensive. "Malamang ay para kunin ang ilang mga nayari nang overhead lamp."

Bakit nga ba kailangan niyang magpaliwanag dito? Wala siyang pakialam ano man ang isipin nito. She sighed tiredly. Hindi pa niya naihahanda ang mga finished products.

Nang ihinto ni Robb ang sasakyan nito ay mabilis siyang bumaba. Mula sa gate ay agad na sumalubong si Alfred, pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa Pajero.

"Nag-aalala na ako sa iyo," bungad nito at hinawakan siya sa braso. "Wala ka kagabi at hanggang kaninang umaga."

"May... may nangyari," paliwanag niya. "Mamaya ko na sasabihin sa iyo. Gusto kong ipakilala kita kay..." Lumingon siya, inaasahang kasunod si Robb. Subalit ni hindi ito bumaba ng sasakyan at sa halip ay paarangkada nitong pinatakbo ang Pajero palayo roon.

Nagugulumihanang sinundan niya ng tingin ang sasakyan nito.

"Hindi mahirap hulaan kung sino ang driver ng Pajero," ani Alfred. "Si Robb Orlando, hindi ba?" naiiling nitong sabi at tulad niya'y hinabol ng tanaw ang sasakyan. "Saan kayo galing?" May malisya ang tono nito.

Ibinalik ni Serena ang atensiyon dito. "May nangyari kay Lola Emilia, Alfred. At nasa ospital siya ngayon..."

"Oh. Kumusta na siya?"

Iglap na nanumbalik ang pag-aalala niya. "Hindi gustong magbigay ng pag-asa ang mga doktor. Para bang naghihintay na lang kami ng araw... o oras."

"I'm sorry, Serena," paumanhin ni Alfred. "I sounded like a jealous boyfriend."

Hindisiya kumibo, walang kabuhay-buhay na ngumiti at humakbang papasok.    

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now