Chapter 15

19.5K 416 1
                                    

ANG PROTESTA ni Serena na huwag na silang bumili pa ng singsing para sa ginagawang pandaraya ay hindi pinakinggan ni Robb. Dinala siya nito sa isang tindahan ng mga alahas sa Puerto Princesa. Kahit pakunwari ay hindi siya nagpakita ng interes na tingnan ang mga singsing na inilabas ng salesclerk.

Habang namimili si Robb ay sunud-sunod naman ang buntong-hininga niya at naiinip na matapos na ang kalokohang iyon. Ang inaasahan niya ay basta magtuturo na lang ito ng kahit na anong magsisilbi sa pagpapanggap nila. Sa halip ay masusi nitong sinuri ang mga naroong singsing.

"May nagustuhan ka ba?" tanong nito sa kanya.

"Anything you choose will do, Robb. Hindi mo kailangang mamili pa para patuloy na makapandaya," she hissed. Nawalan siya ng kontrol, nawala sa isip na kaharap nila ang salesclerk.

Kung nakamamatay ang tinging ipinukol sa kanya ni Robb ay tumumba na siya roon sa sandaling iyon. Ibinalik nito ang pansin sa tray ng mga singsing at pumili ng dalawang pares—engagement and wedding rings. Ipinasukat ng salesclerk ang mga iyon sa daliri niya. Funny but it fitted perfectly.

"Hindi natin kailangang bumili ng wedding band," pabulong niyang protesta. "The engagement ring would suffice our—"

"Shut up," pabulong ding angil nito. "Set ang mga singsing. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng salesclerk, hindi maaaring paghiwalayin ang mga set."

"Then choose another. Iyong hindi bahagi ng set."

Naguguluhang pinaglipat-lipat ng salesclerk ang tingin sa kanilang dalawa. "May iba naman po kaming set na walang kasamang wedding—"

"We'll take this," putol ni Robb sa sinasabi ng tindera sa mariing tono. Pagkatapos ay nilingon siya at patuyang ngumiti. "Magandang investment ang mga alahas, lalo na ang diamonds." Ang tinutukoy nito ay ang malaki at kumikinang na diamond sa engagement ring na napapaligiran ng mumunting brilyante.

She turned away in disgust. Hindi na niya matiyak kung para pa ba sa abuela ang ginagawa nito. O gusto na lang nitong gamitin ang salapi para hagurin ang konsiyensiya nito.

"Kunsabagay, maaari mo rin namang gamitin ang mga iyan kapag talagang ikinasal ka na," naiinis niyang bulalas nang nasa Pajero na sila. Iyon ay kung magpapakasal ito nang totoo. "Kung bale-wala sa fiancee mo na slightly used ang magiging engagement at wedding rings niya," sarkastiko niyang idinugtong.

But her taunt fell on deaf ears. Ni hindi siya nito sinagot at nakatuon ang buong pansin sa pagmamaneho.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now