Chapter 26

19K 418 3
                                    

"SAAN ka galing?" bungad ni Robb sa silid niya.

Bigla niyang hinablot ang hinubad na damit at itinakip sa katawan niya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" singhal niya rito.

Nang magising siya kaninang umaga ay wala ito at si Lola Emilia at si Yvette. Ayon kay Aning ay nagpahatid si Lola Emilia sa kabilang bahay at kasama ang nurse ay ipinagmaneho ito ni Robb.

Sinamantala niya ang pagkakataong wala si Lola Emilia at minabuti niyang sumaglit sandali sa shop niya. Dalawang oras lang siya roon at may mga ipinagbilin lang kay Alfred at agad na siyang umuwi.

Subalit sa nakikita niyang anyo ni Robb ay tila tatlong araw siyang umalis nang walang paalam. Pabagsak nitong isinara ang pinto. "Sagutin mo ang tanong ko, Serena."

"Sumaglit ako sa shop. Nagbilin ako kay Alfred ng mga dapat gawin," mabigat niyang sagot. Ang mga kamay niya'y mahigpit ang hawak sa hinubad na damit na itinakip sa katawan.

"Nag-aalala si Lola sa iyo dahil masama ang panahon at ni hindi ka nagpaalam!" Ang naniningkit na mga mata nito'y nang-uuri. "Sandali lang kaming nawala pero sinamantala mo kaagad upang makipagkita sa kaibigan mo."

"Dalawang oras lang akong nawala, Robb," depensa niya. "And for heaven's sake, hindi mo kailangang ipagdiinan ang salitang "kaibigan" na tila hindi ka naniniwalang magkaibigan kami ni Alfred!"

"Guilty, Serena?" he taunted.

"Huwag mo akong baligtarin, Robb," aniya, nagtagis ang mga ngipin.

"Baligtarin? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi ako bulag!" she snarled. "Nakikita ko kung gaano kayo kalapit ng nurse ni Lola Emilia. At ano ang malay ko kung hindi mo lang siya basta nurse!" Hindi niya naawat ang sarili sa akusasyon at huli na para bawiin ito.

"Nagseselos ka ba, Serena?" His scowl was instantly gone. Nahalinhan iyon ng kaaliwan.

"Walang dahilan para magselos ako, Robb," she said coldly. "You can do whatever you want to do. Pero tiyakin mong maikakapit ninyo ang kahulugan ng "discreet" lalo na sa pamamahay na ito. Hindi mo gustong maghinala at mag-alala si Lola Emilia. She only has a very weak heart but she's not dumb," sarkastikong balik niya, na sinamahan ng maasim na ngiti. "Hindi natin pinasok ang pagpapanggap na ito upang mauwi lang sa wala, 'di ba?"

Nagdilim ang mga mata ni Robb. Hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. Pagkatapos ay huminga nang malalim. "Hindi kita binabawalang magtungo sa shop mo, Serena, pero magpaalam ka."

"Oh, yes, master," she taunted angrily.

Hindi kumibo si Robb at binuksan ang pinto at lumabas.

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now