Chapter 30

20.8K 413 1
                                    

SA MISMONG araw ng libing ay tumindi nang husto ang pagsusungit ng panahon. Wari ay nakikiramay sa malungkot na araw na iyon. Gayunma'y naroroon ang halos lahat ng mga kakilala at kaibigan ni Lola Emilia. At si Alfred.

At sa kabila ng kapanglawan niya ay isang katotohanan ang naghuhumiyaw sa isip niya: tapos na ang pagkukunwari nila at malaya na siya.

Then she realized she wouldn't be totally free of him. Kahit ang rejection nito sa kanya'y hindi sapat upang maalis si Robb sa puso at isip niya. She loved him. Panahon lang ang makapagsasabi kung kailan niya ito malilimot.

Inilipad ng malakas na hangin ang payong niya. But she didn't mind. Ang mga luha niya'y humalo sa ulan na tumatama sa mukha niya. Hindi lamang ang pagkawala ni Lola Emilia ang iniyakan niya kundi ang kamatayan ng pag-ibig niya.

Hinayaan niyang yakapin siya ni Robb bilang pagdamay. Sa nakalipas na tatlong araw na burol ay hindi umaalis si Robb sa tabi niya. Nanatiling nakaalalay at pinipilit na kumain siya. Pakitang-tao man iyon o hindi ay hindi na mahalaga.

"Halika na sa sasakyan," wika nito. "Baka magkapulmonya ka..." Hindi siya tumutol nang ipasok siya nito sa Pajero.

Nakabibingi ang katahimikan nang umuwi sila. Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa banyo at itinapat ang sarili sa dutsa. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis sa oras na iyon.

Hindi kailangang makita pa niya sina Robb at Yvette. Hindi niya gustong ipamukha mismo sa kanya ni Robb na tapos na ang pagpapanggap nila sa mismong harap ni Yvette.

Nagmamadali niyang inilagay sa maleta ang ilang gamit niya. Ang iba'y saka na lang niya babalikan. Marahas niyang isinara ang pinto ng silid niya. Nasa bungad na siya ng hagdan nang lingunin ang silid ni Robb. She bit her lip to keep from crying.

Bumaba siya ng hagdan at nagpasalamat na walang tao roon. Tuloy-tuloy siya sa garahe at inilagay sa Wrangler ang maleta. Halos hawiin siya sa malakas na balya ng hangin. Agad na bumasa sa mukha niya ang ulan. Alas-tres y medya pa lang ng hapon pero parang gabi na.

Nagmamadali siyang pumanhik sa driver seat at ipinapasok na niya sa ignition hole ang susi nang mapuna ang mga singsing sa daliri niya—ang set ng engagement at wedding ring.

Sandali siyang natilihan. Hindi niya maaaring dalhin ang mga iyon. Muli siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay at pumanhik sa silid niya. She found herself strangely reluctant to remove the rings. Na para bang kapag ginawa niya iyon ay tuluyan nang naputol ang anumang ugnayan nila ni Robb.

But that was ridiculous. Wala silang ugnayan nito. Hindi sila nagkaroon kailanman. Only the trap that had somehow closed around them. Hinubad niya ang mga singsing at inilagay sa tokador.

Nasa pasilyo na siya nang makita si Robb na pumapanhik sa hagdanan. Hindi pa ito nagpapalit ng damit. Basa pa rin ang suot nito mula sa ulan kanina. Kausap ba nito mula kanina si Yvette sa guest room?

She dismissed the pain in her heart. Nagpatuloy sa paghakbang.

Hinagod ng tingin nito ang suot niya. "Naka-jacket ka. Saan ka pupunta?"

"M-may aayusin lang ako sa shop." Nanginginig ang tinig niya. Hindi siya mahusay magsinungaling sa kabila ng pagpapanggap na ginawa nila kay Lola Emilia.

"Hindi mo ba maipagpapaliban iyan?" wika nito, nagsalubong ang mga kilay. "May bagyo, Serena, kagabi pa."

Umiling siya. "D-dahil mismo sa bagyo kaya kailangang magtungo ako sa shop, Robb..."

"I could take you there. But first, there are some things we have to talk about," sabi nito.

Nag-angat siya ng mukha rito. "Oh, yes. Ang tungkol sa prenuptial agreement..." Iyon ang unang pumasok sa isip niya. "Walang pag-uusapan tungkol doon. Nasabi na ng contract ang gusto mong mangyari."

"Damn the prenup, Serena!" he exploded.

Serena suddenly felt dizzy. Hindi niya kayang ipakipag-usap ang annulment dito. "Please, Robb," pakiusap niya. "Pagod ako at ilang araw din akong puyat. Wala ako sa kondisyong makipag-usap ngayon..."

He hesitated for a moment, then, "Of course. I'm sorry. I suppose it isn't the right time." Pagkuwa'y tinitigan siya, nagsalubong ang mga kilay. "Pero hindi mo ba maipagpapaliban ang pagtungo sa shop? Napakasama ng panahon, Serena."

"Importante ang sadya ko roon," aniya.

"Okay, I'll drive you there—"

"No!" maagap niyang sagot na lalong nagpalalim sa kunot ng noo nito. "I—I mean, tingnan mo ikaw, basang-basa pa rin hanggang ngayon. Baka ikaw ang magkasakit, Robb, kung hindi ka magbibihis kaagad. Anyway, sandali lang naman ako."

"Serena, it's dangerous. I can't allow you to—"

"Please, Robb," determinadong sabi niya. "Wala pang sampung minuto ang pagtungo sa shop. Don't worry." At bago pa siya mapigilan nito'y nagmadali na siyang bumaba ng hagdanan.

Inilabas na niya ng garahe ang Wrangler niya. Kahit paano'y kinabahan siya nang kumislap ang kidlat sa kalangitan, sinundan iyon ng kulog. Nang tumingin siya sa mga puno ay halos humalik sa lupa ang malalaking sanga sa lakas ng hangin. Naririnig niya ang langitngit ng mga iyon na tila mababali ano mang oras. She knew it was dangerous to travel but she had to leave before she made a fool of herself.

Sa dulo ng mahabang driveway ay bumaba siya at binuksan ang gate at saka muling bumalik sa sasakyan. Napakagat-labi siya, nagdadalamhati sa pag-alis na iyon. Tapos na ang lahat. Ni wala siyang dalang magandang alaala sa pinagsamahan nila—just his cruel rejection when she had foolishly offered herself to him.

Bago niya muling napaandar ang sasakyan ay tila may narinig siyang tinig na tinatawag ang pangalan niya. Nakikipag-agawan sa alulong ng hangin. Sinundan iyon ng ingay ng kung ano mula sa likuran niya. Pagkatapos ay ang pagbagsak ng kung ano sa lupa na yumanig sa sasakyan niya. Nahintakutang napakapit siya sa manibela. Lumindol ba?

Nang lumipas ang ilang sandali at wala na siyang naririnig maliban sa ulan at alulong ng hangin ay inilabas niya ang ulo sa Wrangler at lumingon. Napasinghap siya sa takot nang makita ang isang malaking puno di-kalayuan sa garahe ang bumagsak sa lupa!

She fought against hysteria. Kung nahuli siya ng isang minuto, marahil ay sa Wrangler bumagsak ang puno at tiyak na napahamak siya!

Mayilang sandali muna siyang nanatiling nakaupo roon bago muling pinaandar angsasakyan niya palayo. Sa pagkakaharangng puno sa driveway, matatagalan bago may makapasok o makalabas sa mansiyon nagamit ang sasakyan.    

Love Trap by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now