Chapter 3

131K 7.4K 2K
                                    

Chapter 3

Snowflakes

The election has ended. Isang hindi makakalimutang eleksyon sa kasaysayan ng Enamel, malaking usapan na hindi lang sa loob ng bayan kumalat kundi na rin pati sa mga karatig probinsiya.

Hindi maipagkakaila na iba talaga ang impluwensiyang hatid ng dalawang naglalakihang pamilya ng Arellano at Olbes. Kung sabagay tuwing eleksyon ay inaabangan na ang sagupaan sa pagitan ng dalawang pamilya, pero mas malala ngayong taon.

Buong akala ko ay ito na ang pinakagugulat sa akin sa loob ng isang taon, pero napakabilis ng mga pangyayari. Ang mga hindi ko inasahan na mangyayari ay siya nang gumulat sa akin.

I pursed my lips. Pilit ko man hindi isipian ang mga naranasan ko nitong mga nakaraang buwan, bumabalik pa rin. It was like part of my system, at isa pa alam ko naman sa sarili ko na hindi ko rin iyon basta na lang makakalimutan.

"Are you really sure?" he asked for the third time.

Mukha ba akong hindi sigurado sa kanya? I was determined since day one. At ipinangako kong ipagpapatuloy ko ito, sa katunayan, marami na akong nakalap na mga pirma mula sa iba't-ibang mga kabataan dito sa Enamel.

I even had an encouragement letter from Aurelia, Euphie and even Autumn na may malaking koneksyon sa mga Samonte! I was glad that we shared the same sentiments at ng ilang mga kababaihan dito sa Enamel.

Hindi ko sinagot si Leiden at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. All I need to do was to pick a best date to proceed with the next plan. I need more supporters na katulad ko ay may matigas na paninindigan. Mas matigas pa sa mala-yelong mukha ni Keaton Samonte.

"Ashanti, do you hear me?" ulit ni Leiden.

Lumingon na ako sa kanya habang abala ang mga kamay ko sa pagbubuhol ng plastic na yelo. Since it's summer, mabili ang yelo sa buong Enamel at walang makakapigil sa akin magbenta.

I need money for my upcoming social project. At isa ito sa pinagkakakitaan ko, iba pa rin kasi ang tubig na lumamig refrigerator kaysa sa tubig na lumamig na nilagyan ng yelo. Well, sa tingin ko lang naman.

"How many times are you going to ask me that question, Leiden?" akma ko nang ihahampas sa kanya ang plastic ng yelo na may laman ng tubig nang iharang niya ang mga braso niya para protektahan ang kanyang sarili.

"Sa tingin mo ay pakikinggan ka niya?" katwiran niya sa akin. Mukhang gusto na namang makipagsagutan sa akin ng kamoteng Arellano na ito.

Hindi iilang beses ipinakita sa akin ni Leiden ang hindi niya pagsang-ayon sa gagawin ko. He told me that it was just a waste of time and energy, isa pa masyadong makapangyarihan ang mga Samonte para mapatumba ng mga pirma lamang.

I raised their promised before, na sa sandaling manalo ang mga Arellano sa eleksyon ang sabungan ang isa uunahin nilang tanggalin. But what now? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ang mga ito kumikilos?

Was it because Samonte's could offer a good amount?

"It will take time, hindi agad-agad." Ito lagi ang isinasagot sa akin ni Leiden na nagpapaikot lang ng aking mata.

"Makikinig siya dahil marami akong kakampi!" ngumuso si Leiden at nagpatuloy siya sa paglalagay ng tubig sa plastic ng yelo at mabilis niya iyong nabuhol.

"Or you're just doing this for revenge?" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Up for revenge? Excuse me? This is for the community, sa katulad kong anak na napupurwisyo!" napalakas na ang boses ko sa kanya.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now