Chapter 15

109K 6.6K 1K
                                    

Chapter 15

Cream

I couldn't help but feel weird. Akala ko ay nagkamali lamang ako ng dinig nang sabihin niyang ihahatid niya ako, pero ngayong nasa mismong harap na ako ng bahay mas lalo akong hindi makapaniwala.

Ano ba ang kinain nitong si Samonteng lamig kanina?

Hindi naman siguro niya ibabawas sa sweldo ko ang gasolina na nagamit sa paghatid sa 'kin, 'di ba?

I have this ecstatic feeling to jump off the car already, but should I at least say my goodbye or thanks?

Kailangan pa ba iyon? Parang wala na rin naman siyang pakielam sa akin.

I bit my lower lip and awkwardly glanced at him. I grimaced seeing his usual icy position, crossed arms and legs with his unreadable mien while staring outside the window. He looked like he'd been thinking about the deep treasures beneath the Pacific Ocean.

Hindi ba't masama ang laging nag-iisip? It would take to someone's insanity! Lalo na sa mga taong hindi masyadong nagsasalita at walang pinaglalabasan ng mga iinisip.

Or...

My eyes widened when I suddenly remembered something, I thought he wasn't serious about it. Pero ito na ba iyon? Ngayon na ba ang huling araw ko talaga? Kaya ba hinahatid na niya ako?

He'd already fired me before his meeting with Troy Ferell. Shit!

Hindi pa rin ako bumababa ng kotse, pansin ko na nakailang sulyap na sa akin ang driver pero nanatili akong hindi kumikibo. Gusto ko munang malaman kung may trabaho pa ba akong babalikan o wala na talaga.

And this Keaton Samonte seemed so preoccupied that he didn't even notice that his car had already stopped.

"Hmm... boss?"

Nakatingin pa rin siya sa bintana.

"Boss?"

Kung kulbitin ko kaya? I tried to raise my right hand to reach him and get his attention, but my nervousness overwhelmed me. Ibinalik ko rin sa kandungan ko ang kamay ko.

"Boss?"

Nagka-dysmenorrhea kaya siya? Nakakabingi ba iyon?

Huminga ako nang malalim at pilit kong tinanggal ang kaba ko sa dibdib. I should ask him nicely, baka hindi ako pagbuksan ng pinto ni Papa kapag nalaman niyang sinesante na naman ako ng Samonteng ito.

I tried to move closer to him, akma na akong kukulbit sa balikat niya nang kusa siyang lumingon sa 'kin.

I froze with my widened eyes together with my forefinger that was about to touch him. The distance between us was so awkward.

"Erm... boss..."

His brows creased, as usual, nothing new. He glanced at my forefinger on air that made me realized my frozen position. I immediately returned to my proper seat, then awkwardly smiled at him.

"What?"

"Am I f-fired po?"

Mas lalong kumunot iyong noo niya sa 'kin. "Should I fire you now?"

"N-no!"

Sumulyap siya sa likuran ko, doon niya lang napansin na nasa harap na kami ng bahay ko.

"Go."

Isang salita lang iyon pero agad humawak ang kamay ko sa pintuan ng kotse, gusto ko na talagang lumabas at makalayo mula sa kanya.

He's getting weirder and weirder.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now