Chapter 32
Matigas sa tabi
The first time I've met Keaton Samonte, I already knew that he's a manipulative man. Isang katangian na madalas nang makikita sa kagaya niya na maagang namulat sa mga responsibilidad.
Sanay siyang naaayun lahat sa mga plano niya, mapa-negosyo iyon, kanyang mga empleyado, sariling kapatid at maging sa akin.
Maganda na ang naging simula namin. We were the usual couple with endless flirting sessions. Madalas na siyang ngumingiti, hindi na siya nag-aalinlangang magsalita at naririnig ko na siyang tumawa.
I thought I melted the ice around him. Buong akala ko ay tuluyan ko nang natanggal iyong matinding lamig sa buong pagkatao niya, isang bagay na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin. Ngunit nang inakala kong abot kamay ko na siya, kilala at maituturing na sa akin, ibang uri ng pagkatunaw ang sumalubong sa akin.
I melted the thing he feared the most, which caused him to build an enormous ice again. Makapal at matigas na yelo na ngayo'y hindi ko na matibag.
Hindi ko na maintindihan ang mga emosyon ko, malaki ang parte sa pagkatao kong nais manatili sa kanya at tulungan siya. But our push and pull relationship is killing me slowly!
When he once told me that he's going to build a block of tall ice again, and us together, hinintay ko iyon nang buong puso, pero ang ngayong binubuo niya ay para lang sa kanya. There was an ice between us. Gusto niya akong malapit sa kanya ngunit laging may nakapagitan pa rin.
Even in school, I couldn't help but think about Keaton. At isa lang taong maaari kong makausap tungkol sa kanya.
"Hey..."
When Keaton Samonte started to act like a psychotic possessive boyfriend, I never had an opportunity to talk even with his brother, Langston.
Kahit minsan nga ay hindi ko rin siya nakita sa bawat pagtigil ko sa mansyon nila. It was like Keaton Samonte poisoned every man who would think of coming near me. Maging sa loob ng campus, pakiramdam ko ay nakamata siya sa akin.
I should find it creepy, I should run, and I asked for help. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ang nangangailangan ng tulong sa pagkakataong ito.
My Keaton needs help. Sinasarili niya iyong problema niya at kung hindi ako magmamadali na tulungan siya, mas sasabog pa siya.
Kahit nasasaktan na ako sa pakikitungo niya sa akin, sa mga salita niya at kung paano niya ako ilang beses itinutulak papalayo upang mas kilalanin siya, gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Langston..."
Ilang beses siyang nagpalingon-lingon bago pumasok ng classroom ko. Wala na akong klase at umalis na iyong mga kaklase ko, nakiusap lang ako sa isa sa mga dumaan kanina na natatandaan kong madalas kasama ni Langston na kung maaari ay puntahan ako.
Based on his behavior right at this moment, he knew what was happening to his brother. Alam niyang bantay sarado ako.
Niyaya ko siya na maupo, dahil ko yata kakayanin na manatiling nakatayo sa magiging usapan namin.
I could see the beaded sweat on his forehead. He's nervous as well as I was.
"Langston... I think your brother needs help. Psychologi--"
Umawang ang bibig niya. "He's not crazy!"
Umiling ako at hinagip ko ang mga kamay niya. "No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. But can't you see? Alam mo ba ang ginagawa niya sa akin?"
BINABASA MO ANG
The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)
Teen FictionIn the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my prince? Coating himself with unbreakable ice, made himself cold and icy like a snowman. *Cover is no...