Chapter 27

117K 7.4K 2.2K
                                    

Chapter 27

Honorable 

Akala niya ay madadala ako sa mga paandar niyang paalo-alo? Hindi ko siya pinansin sa natitirang limang minuto habang nakakrus iyong mga braso at binti ko, ginaya ko lang naman ang posisyon niya sa tuwing mainit ang ulo niya sa akin.

"Right." Sumulyap ulit siya sa relo niya. "I'll get back to you this break time."

Maaalo ba ako ng landing limang minuto sa dami ng isinigaw niya sa akin? Instik na hilaw 'to! May pa-Marimar at Sergio pa siya na nalalaman, gawa-gawa niya lang siguro iyon.

Tumayo na siya at nagsimula nang maglakad patungo sa lamesa niya. I made expressions at his back to at least release my annoyance at him, kahit 'di niya nakikita.

Pampalubag loob man lang sa akin. Pero dahil ipinanganak yata talaga siyang may mata sa likuran, lumingon siya pabalik sa akin kaya nahuli niya ang ekspresyon ng mukha ko at akma kong pagbato sa kanya ng kalamay na hindi ko naman talaga ibabato.

Tumaas ang kilay niya sa akin at namulsa siya sa harapan ko. "Kapag ako tinamaan niyan..." sinadya niyang bitinin ang anumang sasabihin niya.

Biglang bumalik sa mga alaala ko iyong mga salitang binitawan ko ng mga panahong inis na inis ako sa mga kapatid ko at sa mga boyfriend nilang madalas kong tawaging mga hilaw na kalamay.

Shit!

"Makakatikim ka sa akin ng kalamay..."

Umawang ang mga labi ko, natigil sa ere ang kamay ko na may hawak na kalamay at nangatal ang buong katawan ko.

Sa talambuhay ko, hindi ko pa kailanman narinig naging banta ang salitang kalamay, pero nang lumabas iyon sa bibig ni Keaton Samonte mas matindi pa ang epekto niyon sa salitang kakagatin kita sa tenga.

"B-bakit ka naman tatamaan, boss? Nag-inat l-lang po ako..." pautal-utal na sagot ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya at muli niya akong tinalikuran. "Eat them, I'll give you fifteen minutes."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya, kinuha ko na ang lahat ng pagkain na ibinigay niya sa akin at nagmadali na akong tumayo para magtungo sa pantry.

"Wala ka ng breaktime mamaya."

Napairap ako sa sinabi niya at pinili ko na lamang na hindi sumagot. Nagtungo ako sa pantry na may nag-iinit na pisngi habang dama ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Nakatukod ang isang kamay ko sa lamesa habang ang isa'y nasa dibdib ko. Naningkit ang mga mata kong tumanaw sa malabong pigura niya na nakaupo na ulit sa kanyang lamesa mula sa salamin na nakapagitan sa amin.

Mabuti na lamang at naka-frost ang paligid ng salamin ng pantry para hindi ko siya agad makita.

Naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi tumagal ang inis ko sa kanya? Kaunting salita niya lamang na kaswal na kaswal niya lang naman kung sabihin sa akin, pero kung makaapekto sa akin ay parang ibinuhos na niya ang lahat ng kaalaman sa pang-aakit.

Sobrang tipid niyang magsalita at sobrang tipid niyang gumalaw pero... putang ina niya. Nakakapagmura na talaga siya.

Hindi naman ganito ang inaasahan ko. I won't deny the fact that it wasn't hard to get attracted to him, he's handsome, hot and cold, and smart! Kuripot at masama ang ugali, pero urgh...

Naupo na ako at sinimulan ko nang kumain ng mga ibinigay niya sa akin. Pansin ko na marami pa ang sago ng milktea, at pinagbantaan pa siguro niya ang magtitinda.

Exactly after fifteen minutes, I went outside the pantry. I returned to my post and continued with my work. Sa takot na baka sigawan na naman niya. Importante ang isang minuto sa mga instik na katulad niya.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now