Chapter 44

99.2K 6.7K 2.3K
                                    

Chapter 44

Exit

I was a fully pledged Mexicana in my past life, rejected a Chinese businessman for being kuripot, and I wasn't marupok even with my naturally curled hair.

Alam ko sa sarili ko na ilang beses na akong niligawan ng mga intsik at napagod na ako sa pagtanggi sa kanila sa nakaraang buhay ko.

It was my past life's fault. Kung hindi siya tumanggi ng tumanggi noong nakaraang buhay ko, sana'y hindi na ako pagod ngayong tumanggi sa isang instik. Ngayo'y ubos na iyong kakayahan kong tumanggi sa isang intsik dahil matagal ko na iyong ginagawa sa nakaraang buhay ko.

Isa lang naman akong Mexicana, bagong kulot, nakakulong sa bisig ng isang intsik na pinaghihinalaang galing sa Wuhan at kasalukuyang nalulusaw sa masikip at madilim na tabi...

Ilang beses akong napailing sa naiisip ko. Hindi ako marupok...

He used the way I hated the most. Maybe everything between him and Autumn was just in the past, but using my emotion and another person to assess me?

He even used his new secretary!

Pilit kong tinatabunan ang isip ko ng mga bagay na ginawa niyang hindi ko nagustuhan simula ng dumating siya rito sa Pilipinas. Hindi ako natutuwa at kailanman ay hindi sasang-ayon sa kanyang mga paraan.

I should let him know how opposed I am on his ways. Pero paano ko iyon gagawin kung may bagong natutunan si Keaton Samonte mula sa Wuhan?

Kailan pa siya naging isang bata na parang ilang taong inapi at kailangang aluin?

Hindi ko siya nagawang sagutin nang sabihin niyang kailangan niya ulit matabihan. Paano ko ba iyon masasagot kung ganoon ang paraan ng pagtatanong niya sa akin? Parang may halo iyong pangungunsensiya at sa sandaling tumanggi ako ay isa na ako sa pinamakasalanang tao sa mundo.

And he keeps calling me Doktora!

I've met Keaton Samonte as a powerful, stiff, intimidating, and formidable man. He was so cold, hard as a rock, and it was just his lips that were soft.

Hindi ko akalaing lalambot at higit na lalambing ang mga salita niya sa akin, na ang tangi ko na lamang nagagawa ay matulala sa maliit na siwang ng tabing pinagtataguan namin at ang kaunting liwanag ng buwan.

Parang gusto ko na siyang aluin... aaluin ko na ang pasyente ko sa tabi...

"Nilalamig na 'ko... binasa pa nila ako, Doktora..." humigpit iyong braso niya sa bewang ko. At sinadya niyang iparamdam sa balat ko iyong panlalamig niya dahil isinuot niya sa damit ko mula sa laylayan niyon iyong pinakamaliit niyang daliri sa kamay.

Still the gentleman Keaton Samonte, hindi inilagay iyong buong kamay.

Ilang beses akong napamura sa isipan ko nang tuluyan nang ipatong ni Samonteng literal na nilalamig iyong mukha niya sa kanang balikat ko. Nakayakap ang isa niyang braso habang ang isa'y nakayakap sa pagitan ng aking dibdib at leeg.

He was lazily playing the tips of my curly hair with his fingertips.

Wala na siya sa likuran ko kundi nasa tagiliran ko habang iyong mga binti niya ay nakakrus na at kapwa nakulong sa akin.

Hindi ako magalaw sa ganoong posisyon namin. Para si Keaton isang batang lalaki na binigyan ng laruan at ayaw nang magpahiram pa.

"K-Keaton..."

Ramdam na ramdam ko iyong maiinit niyang paghinga sa leeg ko. "Doktora, will you allow me to play with your hair?"

Hindi ba at iyan na ang ginagawa mong intsik ka?!

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now