Chapter 18

107K 7.1K 2.9K
                                    

Chapter 18

Lamigin


"Ni-aano?" I asked, with my brows furrowed.

I waited for Aldus to answer, but what I've got from him was a slow nod with a grin on his face.

I suddenly got annoyed. Ano ba ang problema ng dalawang tukmol na 'to? Bakit ba sila biglang sumali? Buong akala ko ay magiging kakampi ko sila.

What is happening now?

"Sino ba iyon? Parang sinadya!" asik ni Michael.

I grimaced when I saw his face clearly. The hit of that ball was not really good, kung hindi agad iyon lalagyan ng yelo or cream ay talagang mamamaga.

"Michael, I have—"

"No, let's continue the game. Pang-asar iyang mga bagong sumali." He wiped the remaining blood under his nose before he positioned himself ready on court.

Sumulyap akong muli kay Keaton Samonte na handa na ulit para sa isang service. Bakit ba ang init na naman ng ulo niya?

The players positioned themselves better while waiting for the service. Si Aldus Ferell lang yata ang walang pakielam dahil pasipol-sipol lamang siya sa likuran ng net.

Kung dati ay gusto ko laging pag-umpugin sina Keaton at Langston, gusto ko na rin isama iyong si Aldus. Lalo na't napapadalas ko na siyang nakikita na kasama ng boss kong lamig.

I couldn't help but noticed that most of Keaton Samonte's friends are his complete opposite. Or iyong mga taong lagi niyang nakakasama, just like his brother, Langston. Kung sabagay, ano nga naman ba ang mangyayari kung pareho kayong magkaibigan na hindi masyadong nagsasalita? That would be so boring.

Kaya siguro hindi na rin nakapagtataka na si Aldus ang kasama niya. Among those Ferells, who are quite famous in this province, Aldus has the friendliest smile, hindi mukhang suplado (like Nero and Tristan) and he looked kind naman sa una.

But I knew that behind his innocent smiles are vicious thoughts! Hindi ako maloloko ng mga Ferell, I'd heard a lot of rumors about them. Alam kong sa Enamel sila nakatira noon, but they were actually kicked out. Isinuka raw sila ng Enamel for some reasons, kaya nasa Leviathan na sila ngayon naghahasik ng lagim.

Kay Michael na naman patungo ang bola pero sa pagkakataong iyon ay alerto siya. He returned the ball successfully which made the crowd noise, magagaling din talaga iyong mga players sa kalaban dahil hindi rin naman nila hinayaan na maging puntos ang pagpalo ni Michael.

Aldus and Keaton had the good setting combination, na sa tuwing nasa kanilang dalawa ang bola ay mas lumalakas ang sigawan ng mga tao. The eyes of ton got their favorites, isama pa na parehong mestizo ang dalawang iyon na sobrang mamula sa ilalim ng araw (edi wow talaga). Palibhasa mga anak mayaman ang tukmol.

Si Aldus ang siyang laging nagse-set ng bola habang si Samonte naman ang pumapalo na parang gustong ma-comatose ang sasalo. I tried to answer his ball, nagawa ko naman iyon saluhin pero ramdam ko ang sobrang pananakit ng braso ko. After that, the ball didn't fly around my easy access anymore, sobrang layo na kahit takbuhin ko ay hindi ko na maabutan.

The fiery rally between our teams had started, the practice game turned into a serious tournament. I wouldn't be surprised if there's a bet around the court. The crowd doubled, the noise overwhelmed the whole beach, the players were all heated, the scores were tight, and the sweats on our faces proved that we're all not taking this game so easy.

Isama pa na halos lahat pala ng player dito ay sadyang naglalaro na ng volleyball. Those who were trained well, kaya hindi na nakapagtataka na halos lahat ay competitive at ayaw magpatalo.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now