Chapter 38

94.2K 6.2K 1.6K
                                    

Chapter 38

Memories

Nang mga panahong nasa malapit ako sa kanya, hindi ko itatangging hindi iilang beses kong naisip na posibleng may ibang mundong ginagalawan si Keaton.

Lumaki man ako sa isang maliit na pamilya at namulat sa buhay na may simpleng komplikasyon lamang, hindi noon nalimitahan ang kaalaman ko sa ibang parte ng mundo.

There is always a black society, and groups made to fight them. Ang malaman na maagang namulat sa ganoong mundo si Keaton ang hindi ko magawang matanggap.

He was barely a kid, and he carried the pain for those long years until now. How could he utterly stand tough, firm and formidable, after all those years of silent pain?

And when he chose to breathe out his vulnerability and show it to someone he expected that would embrace him, she pushed him away...

I pushed Keaton away.

Itinigil na ni Aldus ang kanyang sasakyan at hinayaan niya akong umiyak. Ilang salita pa lang ang sinasabi niya sa akin pero ganito na ang reaksyon ko.

He offered a box of tissue, and I immediately grab it and blow my nose. Aldus knew how to read the situation. He chose to remain silent and waited for me to calm down.

Nasa ganoong sitwasyon kami ng ilang minuto bago ako huminga nang malalim at muling punasan ang luha ko.

I still have a lot of questions to ask. Alam kong limitado lang ang pwedeng sabihin sa akin ni Aldus, but I would take this opportunity to glimpse more about Keaton.

"T-That's explains his behavior..." mahinang sabi ko.

Tumango sa akin si Aldus.

"H-How did you know, Aldus? Sinabi niya ba? Ano ang naging reaksyon mo? Ano ang ginawa mo para sa kanya?"

Sunud-sunod na ang tanong ko sa kanya.

"I only listened and stayed, Ashanti. May mga bagay na kailangan mo lang pakinggan at wala ng ibang gawin kundi manatili. Besides, Keaton isn't the first..." he softly chuckled.

Natigilan ako sa sinabi niya. At pilit kong inalala ang sinabi niya sa akin kanina lamang, he mentioned Troy Ferell. Posible kaya na pareho rin sila ni Keaton?

Mariin akong pumikit at hindi na pinakaisip ang mga bagay na dapat ay hindi ko na iniisip pa.

"P-Paano naman ako makikinig, Aldus? Hindi siya nagpapaliwanag sa akin. Napuno lang ako ng katanungan at takot sa lahat ng nangyayari. Paano ko magagawang manatili kasama siya?"

Aldus bitterly smiled. "He chose not tell you because he's scared..."

"Aldus! Ako ang takot na takot sa nangyayari! I am scared of his secrets..."

"Scared of him?"

Nangatal ang mga labi ko. Biglang bumalik sa alaala ko ang ginawa kong ekspresyon ng makita ko siyang balisa sa paligid ng mga nagkalat na litrato, nang habulin niya ako sa ilalim ng ulan at ang pangangatal ng buong katawan ko ng makita siya.

"N-No..."

"No?"

I bit my lower lip to stop my sobs, but that didn't last until my tears burst out again, palms cupping my face.

"Y-Yes... Aldus. I am scared of him. I blamed and pushed him away... nakita niya kung gaano ako takot na takot sa kanya. I looked into his eyes like he was a monster..."

Akala ko ay mawawalan na ng pasensiya sa akin si Aldus. He just discovered how I terribly treated his wounded best friend. Pero nanatiling kalmado si Aldus Ferell, nagawa pa niyang hawakan ang isa kong kamay.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon