Chapter 17

104K 7K 1.6K
                                    

Chapter 17


Service

Para akong robot na unti-unting lumilingon kay Keaton Samonte matapos marinig ang ginawa niyang pagbulong sa akin.

Tama ba ang pagkakarinig ko? Did he just... how should I call it?

"Balyena? Are you sure, hijo?" tanong ni Mama kay Aldus.

Narinig kong saglit na humalakhak si Aldus. "Namalikmata yata po ako... damn my eyes..."

Hindi ko magawang lumingon sa mga nag-uusap ngayon tungkol sa balyena dahil hanggang ngayon ay pilit kong hinahanap sa mukha ni Keaton Samonte ang lalaking bumulong sa akin.

Bumulong ba talaga siya sa akin ng gano'n? Hindi kaya imahinasyon ko lamang iyon?

He's still sitting composed and unmovable while watching his friend, Aldus, and my confused family about the sudden appearance of a mysterious whale (kung maniniwala ba talaga sila sa Ferell na iyon).

Kunot na kunot na ang noo ko habang mariin nakatitig kay Samonteng lamig. I didn't mind if he'd noticed me staring intensely at him.

Ni-bubulungan...

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko habang naririnig pa rin sa isipan ang paglambot ng malamig na boses sa tenga ko.

That's him, right? Siya talaga ang bumulong sa akin.

Pero habang pinagmamasdan ko ngayon si Keaton Samonte, walang bakas sa mukha niya na sinabi niya iyon sa akin. Ang malamig ngunit malambot na boses na iyon ay parang mula sa isang batang paslit na nanunumbat, inapi ngunit sinasadyang magpaawa para kumuha ng simpatya.

That's the sound of the voice. Cold yet sweet...like begging for a cuddle.

A cuddle?!

Ako mismo ang napapailing sa mga naiisip ko. Probably that voice was part of my stressed symptoms. Kung anu-ano nang boses ang naririnig ko.

How come that Keaton Samonte would sound like that?

I thought he would continue to pretend not to notice my presence, but when he turned lazily at me, my confusion easily subsided.

"Yes, Ashanti?" he asked in his usual tone. A confirmation that the whisper was not true.

"No... nothing..."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang makaramdam ako ng panghihinayang. Of course, that's an impossible word from him. Isa pa kung mangyari man na biglang mabaliktad ang dila niya alam ko kung kailan lamang iyon, kapag nagsisinungaling siya, or when our conversation is quite heated.

And I didn't see any point on why would he lie on something right now that would twist his tongue.

Dahil nawala na rin ang atensyon nina Mama at Papa sa isinigaw ni Aldus na balyena, nasa amin na namin ang kanilang atensyon.

"Ma, hindi ko pa nasabi. I'll be out later."

"Aalis ka na naman? Why can't you join us?

"Ma, may beach volleyball mamaya. I already signed my name, hindi ko na babawiin. Besides, it's just a quick game naman at matagal na rin akong hindi nakakapaglaro. Remember, we're here to enjoy and relax. Beach volleyball is the key." Paliwanag ko.

Halos sabay umikot ang mata ng mga kapatid ko. Aasa pa ba ako na susuportahan nila ako?

"How about your boss? You will not accommodate him?" tanong ni Mama.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now