Chapter 51

99K 5.9K 1.1K
                                    

Chapter 51

Tired

"I want a snowman! I want a snowman! Hindi naman siya mukhang snowman, e!" I started to have my tantrums.

"It's a snowman, can't you see?" He said as the carrot fell on the snow.

I sobbed. Kapwa na kami nakatingin doon sa nalaglag na carrot. "Nalaglag na! Hindi ikaw magaling gumawa, e!"

The tall boy bent and picked up the carrot, and he hastily placed it in the middle of his snowman's face.

I shook my head in front of him. "It's ugly... where is my playmate? Bakit ikaw ang nandito?"

Ilang beses akong lumingon sa paligid para hanapin iyong batang lagi kong kalaro.

"Where is he?" tanong ko ulit.

Napapikit ako nang biglang sinira ng matangkad na lalaki iyong snowman na ginawa niya.

"Ano bang snowman ang gusto mo? Titirisin na kitang bata ka. Ang ingay ingay mo."

Mas lalong bumilis iyong pag-iling ko sa harap ng matangkad na lalaki. "K-Kuya, 'wag mo naman pong tirisin si Shanti... gusto ko lang naman ng snowman."

Tumutulo na iyong luha ko habang inaaway ako ng matangkad na lalaki. He looked so scary, para siyang iyong mga napapanuod ko sa tv na villains.

He's so thin, his hair is a mess, and his small eyes seem so tired. Para siyang hindi na kumakain. Shanti's healthier than him.

Where are his parents? Nipapabayaan na siya.

"Then keep quiet! Can't you see? That is my house." Itinuro niya iyong bahay na malapit sa amin.

"I can hear your noise. Nag-aaral ako. I should talk to your father." Sumilip siya sa likuran ko.

My eyes widened. Mapapagalitan ako ni Papa. "N-No! Kuya... sorry na po..." yumakap ako sa binti niya para pigilan ang paglalakad niya sa bahay.

"Get off me!"

Ilang beses niyang iginalaw ang binti niya para tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya.

Simula ng dumating kami dito sa malamig na lugar na ito, lagi nang busy si Papa sa kanyang kwarto. Sa tuwing lalapit kami roon ay pinipigilan kami ni Mama.

My Papa will scold me!

"I didn't pay him if this daughter of—"

"Kuya, sorry na po. 'Di na po uulit si Shanti. Don't go to my father..."

Bumagsak ako sa snow nang mas iginalaw niya ang kanyang binti. "Don't call me Kuya, wala akong kapatid na maingay."

Nagkrus iyong mga braso niya at tinanaw niya ako habang nakatindig siya. Hindi man lang ako tinulungan ng salbaheng lalaki at hinayaan niya akong nakalugmok sa malamig na snow.

"When a heard more of your complaints, titirisin na talaga kita. Ayoko ng maingay. Maliwanag?"

I nodded at him. Nagpapahid na ako ng luha sa harapan niya. "Good."

Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang maglakad pabalik sa bahay nila. My eyes went on the big carrot on the snow. Mabilis akong tumayo at kinuha ko iyon, lakad takbo ako para maabutan si Kuyang matangkad.

"K-Kuya! Wait!"

Kunot na kunot ang noo niya nan ang lumingon pabalik sa akin. I cowered in fear. He's so scary!

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now