Chapter 35

112K 6.4K 977
                                    

Chapter 35

Cries

My whole body was trembling, my eyes were blurry because of my endless tears, and my thoughts were crumbling.

Hindi lang boses ni Mama iyong paulit-ulit kong naririnig kundi pati na rin ang lahat ng mga sinabi ni Keaton. I couldn't process anything as of the moment. Hindi na ako magugulat kung bigla na akong sumabog sa kinauupuan ko.

My family and I were living happily before. I loved my father's job, my mom, with her never-ending jealousy toward her relatives and my nosy sisters and their annoying boyfriends. It was simple but fun. There were no complications at all, no manipulation, threats, or fears.

But the moment I let a Samonte entered our life, it was like staring at a beautiful mirror filled with memories of laughter and smile that started to have a fracture. A small crack that turned into a huge one, causing the mirror to break apart.

Mas lalong lumakas ang paghagulhol ko, hindi ko na inalintana ang pagsulyap sa akin ng tricycle driver. May parte sa akin na gusto na agad makarating sa bahay at damahayan ang pamilya ko, pero may malaking parte rin na bumubulong sa akin na tumakbo at magpakalayo.

Hindi ko matanggap. Simple lang ang buhay ko at ng pamilya ko, hindi kami mayaman gaya ng malalaki at kilalang pamilya rito sa Enamel at sigurado akong wala naman kaming kaalitang mga pamilya, pero bakit kailangan namin makaranas ng ganito?

Nang muling tumunog ang telepono ko ay agad ko iyong sinagot.

"Mama, malapit na po ako." Rinig ko sa kabilang linya ang paghikbi ni Mama at ng mga kapatid ko.

"A-Anak... huwag ka munang umuwi. Bumalik ka muna sa mga Samonte..." pakiramdam ko ay biglang tumaas ang presyon ng dugo ko sa narinig mula kay Mama.

"Mama naman! Sino ang nag-utos sa 'yo na bumalik? Ang Samonteng iyon na naman ba?!"

"Makinig ka muna sa akin, Ashanti. Diyan ka muna, inaayos pa lang naman--" hindi ko na pinatapos si Mama at pinatay ko na ang telepono.

Napasigaw na ako sa sobrang galit sa lahat nang nangyayari. How could he manipulate my mother in a situation like this? Bakit hindi niya na lang ako pabayaan at pakawalan?

When I reached home, I almost tripped myself thrice. The tears, trembling knees and my heart that was about to explode didn't bother me. But when I finally entered my once warm home filled with painful flowers, dim lights, and some familiar faces, I felt an utter cold.

Sobrang lamig...

I wrapped my arms around myself as the last thread of my strength lost its power to hold on. I fell on the floor while staring blankly at the white casket with my mom's arms on it hugging it tightly.

"Papa... P-Papa..."

Napansin na ako ng ilan sa mga kamag-anak namin. Inalalayan nila akong makatayo at inakay nila ako patungo sa kabaong ni Papa. When my mom noticed me, she immediately stood up and embraced me tightly.

Hindi mawala iyong mga mata ko sa kabaong habang nakayakap sa akin si Mama. "Nagpaalam ka ba sa kanya?"

"May kinalaman ba siya rito?" malamig na tanong ko.

"Ashanti... anak..."

Nang tinanggal ni Mama ang yakap niya sa akin, sinimulan kong mas lumapit kay Papa pero nang abot-kamay ko na siya ay biglang may humablot sa aking mga braso.

Handa ko na sana iyong sigawan dahil sa ginawa sa akin, pero natigil ako nang makitang ang dalawa kong kapatid iyon.

"Let's talk..."

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon