Chapter 30

119K 7K 2.9K
                                    

Chapter 30

Caged

"Go on. As if I didn't use you to forget about Autumn."

Tuluyan nang napatid iyong pinipigilan kong emosyon simula nang batuhin niya ako ng sunud-sunod na masasakit na salita.

Mula sa pagmamaliit niya sa akin at sa pangalang dinadala ko, ang kakayahan ng boses ko laban sa boses niyang siyang makapangyarihan sa bayang ito, at ang salitang kailanman ay hindi ko nais marinig mula sa kahit sinong tao.

Ang maging panakip butas.

I bit my lower lip, and cried hopelessly in front of him. Ginamit lang ako, naniwala ako sa mga kilos at mga salita niya. Nabaliw ako sa paraan ng pagtitig niya kahit gaano man iyon kalamig.

Nangangatal na iyong mga labi ko, nag-iinit ang mga kamay ko, nais ko siyang saktan, kalmutin ang mukha, gusto kong magpaulan ng mura pero sa kabila nang tindi ng galit na nararamdaman ko, sobrang sakit at nanghihina ako, na tanging ang kaya ko na lamang gawin ay sumandal sa pinto para suportahan ang sarili ko.

Parang paulit-ulit sinasaksak iyong dibdib ko.

Our happy moments together were flashing in my memory, my laughter, his touch, whispers, words, and even his kisses.

Para iyong nasa malinaw na salamin na unti-unting nagkakaroon ng bitak hanggang sa tuluyan nang nabasag. Because everything was a farce, and a trick to mend his wounded heart.

"H-how dare you!"

Humiwalay na siya sa akin at tinalikuran niya ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pinilit ko ang sarili ko na lumabas doon sa opisina niya.

I ran as fast as I could like it was a life and death run, and I didn't bother to look back when I heard Langston called me.

Magsama sila ng kapatid niya!

Nang tuluyan ako makalabas doon sa gate ng mga Samonte, lakad takbo na ako para lamang makalayo sa kanila.

Hagulhol na ako sa pag-iyak habang halinhinan ang dalawa kong kamay sa pagpupunas ng mukha ko.

How many times did I try to compare Keaton to his brother? How many times did I tell myself that he's different from him? That my emotions for him were far way clear, deep, and unexplainable.

The happiness that I've found from him was not forced and obligatory, my every approach for him wasn't desperate, I was genuinely smiling at him, and every time that we're together all I could think was to allow him to build a tall castle for us.

Gaya ng mga salitang ipinaniwala niya sa akin ng walang kahirap-hirap. Bakit ganoon siya? Hindi man lang siya nahirapan na mapasailalim ako sa kanya dahil lamang sa tipid niyang mga kilos at salita, ngunit hindi ko akalain na madali niya rin akong maitutulak papalayo sa kanya.

Panakip butas lang naman pala ako. Sino ba ang totoong magkakagusto sa akin? I wasn't pretty, not even an ideal girl, reckless, and nosy.

Magang-maga ang aking mga mata nang sumakay ako sa tricycle. Bakas pa kay kuyang driver ang pagtataka, halos kilala na niya ako dahil ng mga panahong hindi pa naman ako inihahatid ni Samonte ay sa kanyang tricycle ako madalas sumakay.

"Sa may 7—"

"Hindi po. Doon po tayo sa may burol."

Sinabi ko sa kanya ang isang lugar sa Enamel na madalas kong tambayan sa tuwing gusto kong mag-isa. It was a silent hill at the end of the Enamel with a big tree atop on it, until now I wasn't aware of the name of that tree, but as long as it could still give me a calm ambiance, I wouldn't demand a name.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Where stories live. Discover now