Chapter 28

117K 6.5K 2.1K
                                    

Chapter 28


Debt

Pilit pinipigilan ng tatlo kong kapatid ang kanilang pagtili, si Mama ay tuluyan nang naiyak na parang inihahatid na ako sa altar, habang si Papa ay naiiling sa kanilang reaksyon.

I tried to compose myself that time and pretended like a demure Mexicana with a calm yet blushing face.

Bakit naman kasi ganyan ang salitaan nitong si Samonteng lamig? May pa-honorable pa siyang nalalaman.

Sa lahat ng intsik na nang-aangkin at nananakop ng teritoryo ay siya na nga ang pinaka-honorable.

Ipapasakop ko na... ipapaangkin ko...

I bit my lower lip to stop my silly thoughts. Bakit ko naman ipapasakop agad? Dapat manlaban muna naman ako. Ang Mexicanang katulad ko ay hindi dapat basta na lamang bumibigay sa isang intsik.

Tumikhim si Aldus at nagkibit balikat. "Yes, it's good being honorable. So happy that my friend is practicing that principle too. What are friends for if we have different beliefs, right, Keaton?"

Wow. Honorable rin pala itong si Aldus na taga-Leviathan lang.

Kumunot ang noo ni Samonteng lamig, pero agad niya rin iyon inayos dahil nasa harapan siya ng mga magulang ko.

Tumikhim si Papa at hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang ekspresyon niya. Sa totoo lamang siya ang inaasahan ko na unang masisiyahan sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa ni Keaton Samote. But my father's getting weirder.

"Kung liligawan mo ang anak ko, Mr. Samonte, dapat ay rito sa bahay."

"Of course. Gladly."

Alissa suddenly giggled that caught everyone's attention. "I'm sorry. Bigla ko pong naalala iyong pagwewelga ni Ate Ashanti, it's so ironic na nauwi rin sila ni Kuya Keaton sa ligawan."

Muntik ko nang ibato sa kapatid ko ang plato. Sa dami ng pwede niyang sabihin, bakit iyong pagwewelga ko pa? At kailan ko siya pinayagan na tawaging Kuya si Samonteng lamig?

Hindi man nagsalita si Mama, ang pandidilat ng kanyang mata sa kapatid ko ang nagpatigil sa anuman pang sasabihin niya na makapagpapahiya sa akin o maaaring maging dahilan ng pagdadalawang isip ni Keaton Samonte.

Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

"Paano ang trabaho ng anak ko sa 'yo? Hindi yata maganda na magpatuloy pa siya sa kanyang trabaho kung magkakaroon kayo—"

Magsasalita na sana ako nang unahan na ako ni Mama. "Steven, ilang linggo na rin naman ay matatapos na ang bakasyon ni Ashanti. Bakit kailangan pa itigil ang kanyang trabaho? Hindi naman siguro gagawa ng bagay na hindi natin magugustuhan si Keaton, 'di ba, hijo?"

Kung ibang tao siguro ako ay baka maniwala pa ako sa sinasabi ni Mama, pero alam kong mas gugustuhin niya pa na gumawa ng bagay si Keaton na mas makakapagpatali sa kanya sa akin.

He's a good catch for our family, at gagawin ni Mama ang lahat para kami talaga ang magkatuluyan. Bagay na hindi ko gustong mangyari, kung magtagal at mahantong kami ni Keaton sa matibay na relasyon, hindi ko gusto na may bahid iyon ng ambisyon ni Mama.

"Of course. But if you're really bothered, I can let go of Shanti as my secretary." Marahas akong lumingon sa kanya. Hindi pwede, alam niyang may mga bagay pa rin naman akong gustong gawin at magagawa ko iyon habang nagtatrabaho ako sa kanya.

"N-no..." hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

My eyes were pleading at him. Yes, it's reasonable that a father would feel worried about her daughter working with her suitor, but a fifteen minutes flirting moment in the morning and afternoon couldn't just take my innocence that fast.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon