Chapter 21

111K 8.3K 3.5K
                                    

Hi, angels! I am so sorry for my late update. I hope you'll enjoy this chapter! Happy New Year! I hope to continue my journey this 2020 with you. Love lots! 

Chapter 21


Brim Hat

I don't know how did it happen. I just found out that my sisters were all informed about my dinner with my boss.

They all looked pressured like they were the invited ones. Halos hindi sila magkaintindihan sa paghahanap ng mga damit at sapatos nila sa maleta na ipahihiram sa akin.

Ilang beses umikot ang mga mata ko. Tatlong oras pa bago iyong dinner na sinasabi ni Samonteng lamig. I could wear anything I wanted. Kung may dala nga sila riyan na winter jacket, iyon na ang hihiramin ko.

"What's the fuss all about?!" I scowled at them.

It's just a dinner. Ano ba ang pinagkaiba no'n sa ginawa namin kanina? Maybe the speed? Hindi na naman siguro ako dadalhin ni Keaton Samonte sa isang fast eating challenge. I had this feeling that he's a bit traumatized.

Para na siyang masusuka kanina, e.

Padabog akong naupo sa kama at pinagpatuloy ko ang paggamit ng google translate ng mga salita. From Tagalog to Chinese, paano ko ba iyon ita-translate? Hindi ko na tanda ang sinabi niya kanina.

"Pumili kayo ng hindi siya magmumukhang negra!" sabi ni Ate Aliyah na siyang nangunguna sa kanila. Habang si Ate Ariana at Alissa ay halinhinan sa pagpapakita sa kanya ng mga dress sa kanya.

"No, not that color! Alam mo naman na baduy magdala ng damit iyang si Ashanti." Tumaas ang kilay ko.

"Huwag iyan! Hindi bagay! Wala naman korte ang katawan niya! Napapaisip talaga ako kung kapatid natin siya." Mas tumaas na ang kilay ko.

"How about this?"

"Ano ba iyan? Bakit wala man lang bumagay riyan ka Ashanti?"

Ibinagsak ko na ang phone ko sa kama at pinagkrus ko ang mga braso ko habang nakatanaw doon sa mga kapatid ko na iisipin kong nagkukunwari lang tumulong sa akin maghanap ng susuotin para mapulaan lang ako.

"Ako na ang pipili ng damit ko! Hindi ko naman kayo pinatutulong. Tumahimik na kayo riyan! Kayo na ang magaganda, mapuputi at sexy! Mga leche!" nahiga na ako sa kama, nagkumot at nagsaklob ng kumot.

Pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa google-translate. Ano ba ang Mandarin ng leche? Leche rin madalas iyong boss ko.

Eksaherada silang suminghap tatlo sa harapan ko na parang hindi sila makapaniwala na sasabihin ko iyon sa kanila.

Akala ko ay hahayaan na ako ng mga kapatid ko, pero narinig ko ang mga yabag nila na patungo sa akin.

"Ashanti, we are just worried. This is your first date, right?" napabangon ako agad sa sinabi ni Ate Ariana.

"Excuse me? Hindi iyon ang first date ko at hindi date ang magaganap mamaya. It's a business dinner. Paano n'yo ba nalaman, mga tsismosa kayo?"

"Sabi ni Mama, nagpaalam ka sa kanya, hindi ba?" sagot ni Alissa.

Napabuntong hininga ako. "Hindi iyon date. Kaya hindi ko na kailangan ng magandang damit. Mag-rash guard na lang ako mamaya."

Nanlaki ang mga mata nila sa akin. "Dinner? Tapos rash guard? Ikaw ba, Ashanti, ano ang ginagamit mo sa pagsalo ng bola kapag naglalaro ka ng volleyball? Inuulo mo ba?"

"Minsan..."

Hindi na nakapagpigil ang tatlo kong kapatid at pinagtulungan nila akong sabunutan.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant