CHAPTER 1: Pain

3.6K 54 5
                                    

CARMELLA

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Masakit ang buong katawan ko.

Namamanhid din ang ulo ko.

At duon naalala ko ang nangyari kagabi.

Minulat ko ang mga mata ko at sandaling tumitig sa kisame.

Napangiti ako ng mapait.

Nakahiga at natulog pala ako sa malamig na lapag.

Ano pa bang aasahan ko?

Like as if 'HE CARES' nga diba?

Pero ang sakit lang...

Nag-aala man lang ba siya?

Tahimik akong umiyak.

Umiiyak nanaman ako.

Ito lang kasi ang alam kong paraan para ilabas lahat ng hinanakit ko at para narin mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Masyado na kasing masakit. Minsan iniisip ko nalang na 'hindi ko na kaya..' pero hindi sa lahat ng problema pagsuko ang solusyon. Dahil minsan kailangan mo ring harapin lahat ng takot mo.

Lahat ng problema na meron ka.

Gaya ng sabi ni Mama.

'Don't be scared to face your fears if you want to live peacefully. Then be free..'

Pero minsan talaga. Meron yung mga taong pagod na pagod na pagod na. Kaya karamihan sa mga taong iyon. Wala ng ibang alam na solusyon kundi pagsuko.

'Pero ako ata, nabura na ang pagsuko sa bokabolaryo ko.'

Dahil mas naniniwala ako sa kasabihang.

'Pag mahal mo ipaglalaban mo'

Dahil kahit ilang ulit pa akong saktan ni Ivan.

Kahit ilang ulit niya pang isampal saakin ang katotohanang hindi niya ako mahal..

Patuloy ko parin siyang ipaglalaban.

Tanga na kung tanga. Pero kapag nagmahal ka?

Lahat gagawin mo.

Lahat magagawa mo.

Lahat kaya mong isugal.

Dahil nga mahal mo yung tao.

'Pero hindi lahat ng lumalaban ay walang hangganan. Dahil kapag tuluyan ka ng nasaktan..asahan mong sa makalawa. Palalayain na kita.. '





"AHMM, señorito Ivan pinapatawag napo kayo ni Master Greg" tawag ko kay Ivan na busy habang inaayos ang kanyang project.

Sabado ngayon at walang klase.

P.A ako ni señorito Ivan.

At nagaaral kami sa parehong paaralan.

Pinag aaral ako ni Master Greg.

Mayordama noon dito sa mansiyon ang aking ina at matagal naman ng sumakabilang buhay ang aking ama.

Wala kaming alam na kamag anak namin dahil nag-iisang anak lang si Papa.

At itinakwil naman ng mga lolo at lola ko si mama dahil nga hindi sila pabor kay Papa.

Kaya ng mamatay si mama dahil sa sakit sa puso na sakanya ko rin nakuha..

Nalaman ni Master Greg ang tungkol dito.

Kaya kinupkop ako nito at pinag aral.

Malaki ang utang na loob daw nila kay mama dahil siya ang pinaka pinagkakatiwalaang mayordama dito sa bahay.

 Tears of The Unwanted Wife Where stories live. Discover now