CHAPTER 13: Goodbye

2.7K 43 3
                                    

CARMELLA

Ipinikit ko nalang ang mata ko upang hintayin ang paglapat ng sasakyan sa katawan ko.

"Hoy miss?! Magpapakamatay kaba?!" ngunit napaupo ako dahil sa sobrang gulat ng imbis na mabunggo ako ng truck ay sigaw ng driver ang narinig ko.

Unti nalang, unting unti nalang at mababangga na ako.

"Kung magpapakamatay ka dun ka sa may tulay! Wag dito, makakaperwisyo kapa!" huling sigaw ng driver bago iniliko ang truck at iniwan akong tulala.

Napaupo ako sa malamig na simento at saka ko niyakap ang sarilo ko.

Patuloy parin ang pag-agos ng ulan at randam ko ang panginginig ko dahil sa lamig. Pero isinawalang bahala ko nalang ito.

Masakit parin kasi ang puso ko hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung paano maiibsan ang sakit.

Masyado ng masakit, hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit.

"Ahhhhhh!" sigaw ko at saka tumayo ulit para tumakbo.

Takbo ako ng takbo.

Lamig na lamig na ako pero parang hindi ko ito randam.

Namamanhid na ang mga paa at tuhod ko pero hindi ko ito  alintana.

Sobrang sakit, hindi ko na kaya.

Ng madapa ako ay tuluyan na akong naupo sa may tabing gilid.

'Bakit? Ano pa bang kailanangan kong gawin para maibsan ang sakit?'

Tumayo ako ulit at naglakad lakad.

Mas lalaong lumakas ang ulan na para bang dinadamayan ako sa kalungkutan ko.

Ang sakit, mas pipiliin ko nalang na mawala ng tuluyan kasama ng sakit na dulot ng nakaraan kesa pagurin ang sarili ko pero hindi naman naiibsan ang sakit.

Wala na, huli na ang lahat para mahalin niya pa ako.

Tumigil ako sa gilid ng tulay.

Mahangin, madilim at maaliwalas dito habang tahimik na umaalon ang tubig.

Lumapit ako ng lumapit dito.

Ito na sa ang sagot? Dito kaya makakalimutan ko na ang lahat?

Tumayo ako sa may gilid ng tulay.

Itinaas ko ang pareho kong mga kamay na para bang handa na akong tumalon.

Siguro ito na ang sagot sa lahat no tanong ko.

Siguro sa ganitong paraan maiibsan lahat ng sakit na dinaramdam kids.

"BAKIT GANON?! NAGMAHAL LANG NAMAN AKO?! PERO BAKIT GANITO?! Ang sakit, ang sakit saki.." mas lalong lumakas ang ulan at ganon din ang hangin na ngayon ay tinatangay na ang buhok ko.

"Bakit ganito? Bakit sobra mo akong pinahihirapan Ivan." para akong baliw habang kausap ang sarili ko.

"Ivan, I loved you so much more than my life. But you just don't care about the feelings that i for you. Hindi na ako kamahal mahal? Why can't you love my back..." I said and close my eyes.

Unti unti akong tumalikod sa rumaragasang tubig.

"Thank you for giving me the happiest days before. Thank you for being my husband, Ivan. Thank you for taking care of me back then. Thank you for all the pains and heartache that you give me. Thank you for giving time of me. Thank you for the remaining days that i have stay because of you. Thank you Ivan Grey Selliva." sabi ko bago pumatak ang huling luha ko.

 Tears of The Unwanted Wife Where stories live. Discover now