CHAPTER 21: Pain Kills

2.2K 35 0
                                    

THIRD PERSON

Sa loob ng isang linggo madami ang nagbago. Ang dating Ivan ay tila hindi na kilala ng lahat.

Laging tulala.

Laging wala sa sarili..

Hindi kumakain..

Laging umiinom ng alak..

Laging nagkukulong na halls hindi na lumabas ng bahay.

Sa isang sulok naka dukdok si Ivan habang umiiyak. Gabi gabi siyang umiiyak at nagsisisi sa lahat ng nagawa niya.

Nagsisisi siya sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang niya para kay Carmella.

Nagsisisi siya dahil kahit anong gawin niya alam niya na wala na siyang magagawa para maibalik ang dating sila.

"Carmella..." hagulgol nito saka niyakap ang sariling tuhod.

Napasabunot siya sa buhok niya saka niya ibinato ang lata ng alak na nasa gilid niya.

"Ahhhhhh!" malakas na sigaw niya.

"Please Carmella.. Dont leave me i love you and i can't live without you." pagsusumamo nito habang umiiyak.

Mula ng mawala si Carmella ay walang gabing hindi umiyak si Ivan.

Legit talaga yung sakit noh? Lalo na kung narealize mo na mahal mo pala yung isang tao kaso nga lang huli na..

Habang sa kabilang banda naman ay isinasagawa na ang paghahanda para sa libing ni Carmella bukas na bukas.

Mahahalataa mo sa mga mata nila ang lungkot at pighati lalong lalo na ang isang taong tahimik na umiiyak sa tabing gilid.

Si David..

Walang sisidlan ang kalungkutan niya.

Gaya ni Ivan ay wala rin sa sarili si David ng mawala ang pinaka mamahal niya.

Pilit na nilalabanan ni David ang lungkot niya dahil gusto niyang maging malakas at ayaw niyang makita siya ng kanyang ina na mahina.

Pero wala siyang magagawa. Dahil hindi niya mapigilan ang labis emosyong nararamdaman niya.

Mula ng mawala si Carmella tila nagbago ang lahat.

Lalong lalo na yung mga taong sobrang lapit sakanya.

Magaling na lolo ni Ivan. Mag tatlong araw narin mula ng makauwi ito sa pilipinas.

Labis na nalungkot din lolo ni Ivan. Dahil itinuring niya rin na parang tunay na apo si Carmella.

Mula sa di kalayuan nag-uusap naman sina Shanty at Draven..

"Ano ng balita kay Ivan?" nag-aalalang tanong ni Draven kay Shanty.

"Ganon parin, tuwing bumibisita ako sa bahay nila lagi siyang nakakulong at nag-iinom sa kwarto niya. Ni ayaw niyang kumaim o lumabas manlang." malungkot na balita ni Shanty.

"Hindi ko masisisi si Ivan. High school palang tayo alam kong may pagtingin na siya kay Carmella at alam ko rin na pinipigilan niya lang ang nararamdaman niya para kay Carmella.." walang buhay na sagot ni Draven.

"Tama ka Draven, oo kasalanan ni Ivan lahat. Pero wala tayong karapatang sisihin siya. Tao lang rin siya gaya natin, nagkakamali at nasasaktan." nakayukong sabi naman ni Shanty.

"Kung maibabalik lang sana ang pahon. Kung maitatama lang sana ang lahat ng pagkakamali. Tingin mo kaya hindi ganito ang kalalabasan ng lahat?" baling ni Draven kay Shanty.

"I don't think so Draven. Kung ano ang nangyari well yun ang nakatadhana. At kahit ano pang gawin natin hindi natin yun mababago. Remember? Everything's happened for a good and better reason." napangiti naman ng mapakla si Draven dahil sa sinabi ni Shanty.

 Tears of The Unwanted Wife Where stories live. Discover now