CHAPTER 28: Past #5 (Reason)

1.1K 25 0
                                    

CARMELLA

"Ivan.." tawag ko sa pangalan niya. Ang sakit ng mga braso ko dahil sa mahigpit na pagkahawak niya dito.

"Carmella, pinagkatiwalaan kita? Pero bakit basta basta ka nalang gumawa ng desisyon na hindi no malang alam. Your so selfish Carmella.." galit na sabi nito saakin na ikinatulo ng luha ko.

"Ivan hindi mo nai--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng malakas niya akong binulyawan.

"YES, I DO UNDERSTAND CARMELLA!" puno ng galit ang mga mata niya habang madiin niyang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Mariin siyang pumikit saka hinilot ang sintido niya at nag-iwas ng tingin saakin.

"Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit ngayon pa?" agad akong napalingon sakanya dahil sa sinabi niya.

Mapait din akong ngumite saka ko pinunas ang luhang kumawala mula sa mga mata ko.

"Yun nga rin ang malaking tanong ko sa isipan ko Ivan ehh. Bakit ngayon pa? " agad naman din siyang napabaling ng tingin saakin dahil sa sinabi ko.

Pero imbis na tanungin niya ako kung bakit ay mas pinili niya nalang na tumango tango saka muling nag-iwas tingin.

"Bakit ngayon pa't masaya na ako kay Sandra." mapait na ngiting bigkas niya.

"Bakit ngayon pa't i already realize that i can't just leave her that easily" pagpapatuloy niya.

"Bakit ngayon pa?" tanong niya saka ako binalingan ng tingin.

Para namang nadurog ang pusp ko ng makita ko kung paano pumatak ang butil ng luha mula sa mga mata niya.

"Carmella sa tingin mo...b-bakit?" umiiyak na tanong niya saakin pero napailing iling ako.

'Ganyan din naman ako Ivan ehh. Parehas lang tayo ng iniisip.'

'Bakit ngayon pa?'

'Bakit ngayon pang alam ko sa sarili ko na mas mahal ko na si David. Bakit ngayon pang alam ko sa sarili ko na siya na ang mahal ko at hindi na ikaw.'

'Bakit ngayon pang masaya na ako sa piling niya at hindi na sayo. '

'Bakit ngayon pa? '

Gustong gusto kitang tanungin Ivan. Pero nanatili lang na natikom ang bibig ko.

Wala akong makapa na kahit ano mang salita..

"Ivan, hindi ko rin alam..." umiiyak na sagot ko sakanya.

Natawa naman siya ng pilit dahil sa sinagot ko sakanya.

"Alam mo, kasalanan mo lahat ng toh ehh.." umiiling-iling na sabi niya habang pinupunas niya ang luha niya.

Hindi makapaniwala ko naman siyang tinignan.

"Kung hindi ka sumang-ayon sa gusto ni lolo edi sana wala tayo sa sitwasyon na toh.." dahil sa sinabi niya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

"Napaka despirada mo Carmella. Your such a gold digger." napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya.

"I-Ivan, naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Malamang sa malamang Carmella. Siguro kaya ka sumang-ayon sa kasal at kaya mo lang naman ako gustong pakasalan dahil mayaman ako at m--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinampal.

"Ganyan be ang pagkakakilala mo saakin Ivan?" tanong ko sakanya. Pero nanatili lang siyang nakaiwas ng tingin Stalin habang salo salo niya ang pisngi niyang sinampal ko.

 Tears of The Unwanted Wife Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt