CHAPTER 35: Twins

1.8K 35 1
                                    

SCARLETT

"Ash! Ava! Be careful!" paalala ko sakanila bago sila naktatakbo papunta sa may swing.

Sunday ngayon at ngayon ang family day naming mag-iina. We decided na dito nalang kami magpicnic sa park na malapit lang sa isang subdivision.

Hindi kasama ngayon si Della dahil may nangyari daw sa restaurant niya na pinatayo niya sa Katipunan.

Kaya kami lang ng kambal ang nandito. Pero kasama naman namin yung bagong driver namin at si mang roel.

Nakangite ako habang masaya kong pinapanood kung paano sila tumawa habang itinutulak ni Ash yung swing at masaya namang naka-upo si Ava.

My twins are my stress reliever. Dahil sa pagkasweet nila at kakulitan nakakaramdam ako ng kakaibang saya sa puso ko at kapag nakikita ko silang masaya napapangite nalang ako.

Inayos ko na ang mga pagkain namin sa lamesa. Inilabas ko na ang chuckie nila at ang cup cake na si Della ang nagbake. Pambawi daw sa kambal.

Habang inilalabas ko ang pagkain namin. Napatingin ako sa phone ko ng may biglang napatawag.

"Scarlett speaking.." agad na sagot ko.

[Ma'am, we have an urgent m--] agad akong pinutol ang sasabihin ni Jean.

"Alam mo na ang sagot diyan Jean." saway ko agad sakanya.

[But ma'am this is a very important meeting.] dahil sa sinabi niya at napa-akro ang kilay ko.

"My twins are more important than that..." sagot ko.

[But ma'am, yung hotel and resort na ipinatayo ng isang client natin gumiba kani-kanina lang.] dahil sa sinabi niya ay agad akong napatigil.

"The?---what?!" tarantang tanong ko.

[Yung hotel and resort na project ni engineer dumlao at Architect madayaw sa Antipolo bumagsak kani-kanina lang.] napapikit ako ng mariin.

"How?.." i coldy asked.

[Under investigation palang po.] sagot nito.

"Can you please tell to Mr Kagura that im very very sorry for this." sabi ko dito.

[Okay lang daw kay Mr Kagura...per--]

"Pero, what?!" inis kong tanong.

[Kasi ma'am kanina, may photo shoot kasi pala na nagaganap doon. Nagkaroon ng injury yung isang model ng isang magazine company. Hindi daw nila palalagpasin yung nangyari kaya sila yung nagreklamo saatin. Wala ng nagawa si Mr Kagura dahil nga mas mataas daw yung posisyon ng CEO ng SMC kaysa sakanya.] balita nito saakin.

Inis akong napahilot sa sentido ko.

"Okay, set an appointment for tomorrow tungkol diyan and also i want to talk to the CEO thingy.." i said saka ko ibinaba ang tawag.

Ipinikit ko ang mata ko para kalmahin ang sarili ko.

Oo, mabigat na problema yun. Pero kahit gaano pa iyon kabigat. Mas importante parin ang mga anak ko. I will not just gonna leave them here ng dahil sa business.

Makasarili na kung makasarili dahil hindi ko manlang agad napagtuunan ng pansin yung taong na-injured fail sa failure ng mga tauhan kong gumawa ng building. Sorry nalang, pero mas mahal ko ang mga anak ko kaysa sa trabaho ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinapos ko na ang paghahanda ng pagkain nila.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko para tawagin sila.

Ng ibaling ko ang tingin ko sa may bandang swing ay wala na sila. Tumingin tingin ako sa paligid.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko sila mahagilap ng pangin ko.

 Tears of The Unwanted Wife Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt