CHAPTER 10: Because Of Lies

1.8K 37 1
                                    

CARMELLA

Maaga ang uwi ngayon ni Ivan. 6:46  palang ng hapon nandito na siya sa bahay.

Agad silang umakyat sa kwarto nila ni Ivan. Magkasama silang pumasok duon habang ako naman ay nandito sa sala at nagsasaing ng kanin.

Masakit man panuorin sila habang masayang magkasama ay tinitiis kolang.

Ng matapos kong lutuin ito ay pinatay ko na ang kalan at naupo muna sa upuan sa harap ng lamesa.

Iniisip ko parin ang sinabi ni David kanina.

"Carmella, kung hindi ka niya mahal isuko mo nalang siya at pwede bang ako nalang?"

Napapaisip ako sa sinabing iyon ni David.

Merong oras na gusto ko na siyang isuko. Pero pagka gagawin ko na, mahirap. Dahil kahit anong mangyari asawa ko parin siya. Siguro matatauhan lang ako pag  sakanya na mismo manggaling ang salitang hinahanap ko.

Siguro susuko lang ako pagka nalaman kong ikakasaya pala niya pag wala na ako...

Sana hindi mangyari ang bagay na iyon. Dahil siguradong masasaktan lang ako ng sobra sobra. At nasiaigurado kong mahihirapan lang akong kalimutan siya.

"CARMELLA!" napapitlag ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Ivan sa pangalan ko.

Agad agad naman akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan nila. At nakita ko naman silang pababa ng hagdan habang ang mga mata ni Ivan ay puno ng galit habang nakatingin saakin.

"It is true Carmella?" malamig at seryosong tanong niya. Pero napakunot ang nuo ko dahil sa tanong niya.

"Ang alin I--" naputol ang sasabihin ko at napapikit ako ng tinabig niya ang vase na nasa tabi niya at saka ako sinigawan.

"DONT F*CKING DARE LIE TO ME CARMELLA!" galit na galit na sigaw niya kaya naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

"It is true na kinakawawa mo si Sandra pag wala ako? Muntikan mo para'w siyang lunurin sa pool kanina?" seryosong sabi niya habang nagtataas baba ang mga kilay niya.

Binalingan ko naman si Sandra ng tingin at nakita kong nakangise siya saakin and mouthed 'watch b*tch..'.

Pagkatapos niyang sabihin iyon sa hangin ay nakita ko ang pag-iba ng reaksiyon nito.

Mula sa pagiging mapang-asar ay para na itong naluluha. At tama nga ang hinala ko dahil bigla nalang umagos ang luha na nanggagaling sa mata niya.

"S-she even warned me na w-wag daw kitang aagawin sakanya. She even called me a b-b*tch and push me. Eto ohh.." pagpapakita niya sa siko niya na may gasgas.

Lumapit naman si Ivan sakanya at niyakap siya.

Para naman may kumirot sa puso ko dahil dito.

Tinignan ko sila. Yakap yakap ni Ivan si Sandra at mahahalata mo ang pag-aalala sa mukha niya.

'Sana ganyan karin saakin Ivan..'

Sana ganyan karin mag-alala saakin.

Sana ganyan mo rin ako pinapahalagahan..

Sana ganyan mo rin ako kamahal..

Binalingan ko ng tingin si Sandra at nakangiting tagumpay ito habang nakatingin saakin.

Maya maya lang ay naghiwalay na sila sa yakapan nila.

"Malinaw na ang lahat Carmella. Kayat hindi kana makapag sisinungaling pa." seryosong sabi nito.

 Tears of The Unwanted Wife Where stories live. Discover now