CHAPTER 27: Past #4 (Pregnant)

1.2K 29 0
                                    

IVAN

Halos dalawang na ang nakalipas. Halos hindi ko na nakikita o ni nakakausap manlang si Carmella.

Nasasaktan ako sa pagiwas niya pero hanggang kaya ko titiisin ko ang sakit.
At nitong mga nakaraang at araw. May mga nararamdaan akong pagbabago kay Sandra.

Andito ako ngayon sa Condo Sandra dahil sabado ngayon at dahil rin pinatawag ako ni Sandra kami kanina lang dahil nagpapabili siya ng suha.

Tanggap ko ang nangyari saamin ni Sandra noon dun sa bar.

Nung una pareho kaming nagulat at si Sandra naman ay napa hagulgol pero inalo alo ko siya at nangako ako na kung mag bunga man ang nangyari saamin ay handa ako panagutan siya.

Napapansin ko rin na nitong mga nakaraang araw ay lagi nalang antukin si Sandra.

Nagiging doble ang kinakain niya.

Madalas siyang magsuka ng tubig lalo na kung nakakaamoy siya ng mga pagkaing niluto sa mantika.

Minsan nagkakaroon din siya ng madalasang mood swings. Tapos kapag may bagay na hindi niya nagustuhan o bagay na hindi ko binigay iiyak siya.

Gaya nalang ngayon.

"Baby! Sige na please gusto ko ng suha." pagmamaka-awa niya.

"Pero umagahan palang ngayon. Baka sumakit yang tiyan mo." pananaway ko sakanya saka ko inayos ang pagkain sa harapan namin.

"Sige na please..." pagpupumilit niya pero kaagad naman akong umiling.

"Hindi pwede, kumain ka muna ng kanin tapos ubusin mo yung gatas mo bago ka kumain ng s--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang siyang umiyak ng malakas.

"Ang damot mo! Suha lang naman suha! Tapos ayaw mo pa, bahala ka diyan ayaw nakita brake na tayo!" parang batang hagulgol niya na ikinatawa ko.

"Anong tinatawa tawa mo?! Matapos mo akong damutan at paiyakin tatawanan mo lang ako?! Aba!" nakapamaywang na sermon nito saakin.

Kita mo, kanina ang lambing. Tapos paawa effect tapos bigla nalang iiyak at ngayon galit?

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng mga babae.

Minsan good minsan bad..

"Aray!" daing ko ng bigla niya akong pingutin.

"Tinatanong kita tapos hindi mo ako sinasagot?! Ngayon bibilhan mo ako ng suha o hindi?!" bulyaw niya saakin.

"Oo na po, oo na bibilhan na kita ng suha!" namimilipit na sabi ko sakanya.

Agad naman niyang binitawan ang tenga ko saka ako niyakap ng mahigpit.

"Tologo bo?" tumatalon talon na tanong niya agad naman akong tumango habang patuloy ko paring hinihimas ang tenga ko.

"Thank you baby!" masayang sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi na ikinatigil ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi at tenga ko.

Hindi ako bakla at hindi ako kinikilig. Dahil kay Carmella lang dapat ako kiligin.

Pero lalali rin ako pinapamulahan lalo na kung ang babae ang gumawa ng first move.

"Yieee! Kinikilig ka noh? Namumula yang tenga mo ehhh!" pang-uuyam niya saakin habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

Agad naman akong nagiwas ng tingin dahil sa sinabi niya.

"H-hindi kaya!" nauutal na sabi ko sakanya.

"Ehhh bakit ka nauutal at bakit ang defensive mo?" muli niyang nanaman akong inasar habang tinusok tusok ang tagiliran ko.

"Hay! Sige pagka hindi ka tumigil hindi na kita bibilhan ng suha." seryosong sabi ko sakanya na ikinawala ng ngite niya at napalitan ng pag pout.

 Tears of The Unwanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon