CHAPTER 25: Past #2 (Relationship)

1.3K 24 0
                                    

SANDRA

Dumidilim na ang paligid. Pero nanatili akong naghihintay kay Tristan.

"Tristan, asan ka naba?" naiiyak na tanong ko sa sarili ko.

Kanina ko pa siya tinext na magkikita kami pero seen lang siya ng seen at ni hindi manlang niya sinasagot ang tawag ko.

Pero kahit ganon sinabi kong magkita kami sa dati naming tagpuan sa abandonadong building sa school.

Ng hindi na ako makapag hintay ay dumiretso na ako sa bahay nila. He's my boyfriend pero nakipag break siya saakin ng malaman niya ang tungkol saamin ni Ivan.

'I need Ivan, but i need Tristan the more because i love him. I truly love him..'

Papunta na ako sa bahay ni Tristan ngayon.

I been texting and calling him maMOny times pero hindi niya ako sinasagot.

Nasasaktan na ako, parang kahapon lang okay lang kami tapos bigla nalang siyang nanlamig saakin.

"Tristan!" tawag ko sa pangalan niya pero walang nagsalita.

"TRISTAN!" malakas be tawag ko saka ko kinalabog ang gate ng bahay niya.

'Tristan nasasaktan na ako. Bakit ka ba naging ganito?'

*Eikk* agad akong napalingon sa maliit na pinto ng gate ng magbukas ito.

Pero napa-arko ang kilay ko ng masilayan ko ang isang babae na naka maikling short at naka tube ng black.

Makapal ang lipstick nito ganon din ang make up niya.

"Anong ginagawa mo at gabing gabi na at nambubulabog kapa?" mataray na tanong na sinabayan pa niya ng pagtaas ng kilay.

"Sino ka?" I asked.

"Hindi na dapat pa iyan tinatangong. Sa ganda kong ito hindi ka na magdadalawang isip. But anyway i will introduce myself. My name is Aika Glen Ganjano and i am Tristan's girlfriend that soon to be his fiance." dahil sa sinabi niya ay nagtataka ko siyang tinignan.

"Hindi ako nakikipaglokohan, kaya pwede ba babae?! Wag kang ilusyunada!" gigil na sabi ko kahit sa kaloob looban ko ay nasasaktan na ako dahil kahit na itanggi ko pa unang tingin ko palang sakanya ay nagkaroon na ako ng masamang hinala.

"You think bitch im joking?" mataray na sabi nito.

Ng akmang lalapit na sana ako sakanya para sugurin siya dahil sobra na akong naiinis sakanya ay napatigil ako.

"Babe! Sino yan?" para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at nanlaki ang mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Boses iyon ni Tristan.

Babe? Hindi naman babe ang tawag naming sa isa't isa kundi sweetheart.

So totoo nga?

"Ahmm w--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at agad akong pumasok at basta nalang binangga ang babae.

"Tristan?" naguguluhan ko siyang tinignan pero nakatanggap lang ako ng blankong tingin.

"Tristan ano toh?" tanong ko sakanya saka ko dinuro ang babae.

Pero imbis na sagutin niya ako ay ngumise lang siya.

"Babe sino siya? Do you know her?" tanong ng babae pero hinapit lang siya ni Tristan sa bewang.

"Yeah, i know her she's my friend." dahil sa sinabi niya ah para akong natuod sa kinatatayuan ko.

'Kaibigan?'

 Tears of The Unwanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon