CHAPTER 12: Let you go

2.5K 41 1
                                    

CARMELLA

Tinignan ko ang orasan.

7:38 na ng gabi.

Iuuwi na ako ngayon ni David sa bahay. Babalik rin kami dito sa susunod na araw para sa madaliang operasyon.

Pero bag yun kailangan ko munang gawin ang talagang pakay ko.

Nalaman ko kung saang hospital nakalagay si Sandra dahil si kuya Shanty mismo ang nagsabi saakin.

"Amhh David.." tawag pansin ko dito.

"Yes?" tanong niya.

"Favor lang sana bago mo ako ihatid pauwi sa bahay." sabi ko dito.

"What is it?"

"Amhh David, pwede mo ba akon samahan bibisitahin ko sana sina mama at papa." dahil sa sinabi ko ay kunot noo itong tumingin saakin.

"What? Ng ganitong oras?" tanong niya kaya tumango nalang ako.

"Please David, anniversary kasi nina mama at papa ngayon eh.." pagsisinungaling ko.

Tumango tango nalang siya.

"Okay, but kailangan mo muna itong sabihin kay Ramirez." agad naman akong umiling iling sa sinabi niya.

"Hindi na kailangan. Nakapag-paalam na ako." sabi ko dito saka tipid na ngumite.

"Okay, let's go." dahil sa sinabi niya ay dahan dahan na akong tumayo.

Pwede na kaming lumabas ng hospital. Na-discharge narin kasi ako kanina. Naayos narin ang bill ko at binigyan narin naman ako ng permission ni Kuya Shanty bilang doctor ko.

Pagdating namim sa parking lot ay agad narin kaming umalis ng walang imikan.

Naging tahimik ang buong sasakyan.

Siguro gusto muna akong magpahinga ni David kaya hindi niya ako kinakausap.

Isinandal ko ang ulo ko sa may bintana habang pinagmamasdan ang bawat bituin sa langit.

Madilim na ang buong paligid. Ngunit dahil sa liwanag ng buwan at bituin ay nagkakaroon ng unting liwanag ang paligid.

Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Ivan kapag nalaman niya ang tungkol sa sakit ko.

Titigil na kaya siya sa pananakit saakin?

Aalagaan niya kaya ako gaya no ginagawa niya kay Sandra o hanggang 'kaya' nalang talaga?

Pero isa lang ang hinihiling ko. Sana pagkatapos kong sabihin ang tungkol dito ay may magbago manlang sana.

Oo, kahit malabo wala na akong ibang panghahawakan nalang kundi ang umasa.

"Andito na tayo.." dahil sa sinabing iyon ni David ay napukaw ako sa malalim na pag-iisip ko.

Nginitian ko nalang si David saka akmang lalabas ng mapansing lalabas si David.

"Ahmm David, dito ka nalang saglit lang naman ako" napalingon ito saakin dahil sa sinabi ko.

"Pe--" magsasalita pa sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya saka siya nginitian.

Dahil sa ginawa ko ay napatigil siya at wala ng ibang nagawa kundi ang tumango nalang.

Kaya agad na akong lumabas ng sasakyan.

Ng medyo makalayo na ako sa kotse ni David ay lumingon ako dito.

'I'm so sorry David dahil nag sinungaling ako. Pero ayaw lang kitang masaktan...'

 Tears of The Unwanted Wife Where stories live. Discover now