Chapter Thirty

6.8K 177 69
                                    

Chapter Thirty

Past

It kills to know that Alicia still trusted her whole innocent heart to me despite the uncertainty and barely knowing me. Wala akong maipapangako sa kanya, walang maibibigay. I don't even think I deserve her, and I know I don't. I want to save her even if I am struggling myself. I want to give her the world even if I believe that there will never be a place in this world for me.

Dinala ko ang kamay sa magandang mukha ni Alicia at marahan na hinaplos habang magaan itong nakapikit at komportableng nakaupo sa loob ng sasakyan.

"Alicia,"

"Hm?" she mumbled while closing her eyes.

"Kanina ka pa ba gising?"

Dahan-dahan siyang nagmulat. "Paano mo nalaman na gising ako?"

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" I asked her back.

"Ang alin?"

"Na bukod sa gandang-ganda ako sa'yo, may lahi ako ni Madam Auring?"

When she laughed, I laughed myself.

"Korni mo sobra." nakangiti niyang saad. "Buti na lang gwapo ka. Ang gwapo siguro ng magiging anak mo, Nathaniel."

I wiggled my brow. "Mo? Hindi natin?"

"Bakit natin? Bakit sure ka na ba sa akin?" tanong niya pabalik.

"Bakit ikaw hindi ba?"

"Ano ba naman 'to? Question and question answer portion." she chuckled. "Sure naman pero sabi kasi ng Mommy ko, wala raw forever kaya hindi raw ako dapat magpadala ng bugso ng damdamin."

My Mom said that to me, too.

"Nasabi rin iyan sa akin ng nanay ko." mahina kong saad.

"Talaga? Magkumare ba ang mga nanay natin?"

"I don't think so. Sa tingin ko magkaaway at parehong bitter sa isa't isa."

Naguguluhan na kumurap si Alicia sa sinabi ko. "Ha? Paano mo nasabi?"

"Sabi ko na may lahi ako ni Madam Auring."

Pareho kaming natawa muli.

"Baba na tayo?" pag-aya ko pagkatapos.

Umayos siya ng upo at tumingin sa labas.

"Saan tayo, Nathaniel?" she asked. "Kaninong bahay 'to? At itong sasakyan?" she stared at me. "Okay lang ba sa boss mo na ginamit mo ito? Nagpaalam ka ba?"

"Don't worry about it," I assured her. "Trust me. Let's go?"

Ngumiti ako bago naunang lumabas sa kanya. I opened the door of the car for her. Napansin kong nagdadalawang-isip si Alicia habang nakatingin sa bahay na pinagdalhan ko sa kanya kaya kinuha ko ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.

"Anong problema, Alicia?"

"Mahal ang upa ng bahay na ito. May pera ka ba?"

I assumed this house from my work mate. Mareremata na ng bangko at inoffer nito sa akin. I have no plan of investing my money for a house because aside from the fact that I never saw myself having a family someday, I already bought a condominium unit for myself. Inassume ko lang para makatulong at nasayangan ako dahil nang makita ko ang lugar, maganda at matiwasay.

The subdivision is kind of secluded but well-secured. Hindi dikit-dikit ang mga bahay kaya hindi problema ang privacy. Naiisip ko na baka may araw o panahon na gusto kong magtago may pagtataguan ako at hindi ako nagkamali sa desisyon ko.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now