Chapter Thirteen

9.2K 432 261
                                    

Chapter Thirteen

Tears

I realized I was being too hard on Crayon and Hunter last night. Mali ang ginawa nilang pambabastos kay Nathaniel pero hindi ko naman sila masisisi. Nasaktan sila nang sobra. Natural na magtanim sila ng hinanakit, hindi nakagugulat kung magtanim man sila ng galit.

Ito ang pinakamahirap sa lahat ng nasaranasan ko. Ang pilitin maging malinis si Nathaniel sa mga anak niya. Ang hirap dahil alam kong walang gamot sa pusong sinaktan at nasaktan ng lubos. 

Hunter was right when he said that Nathaniel is not healthy for us. We should go back to Australia.

"Agad-agad? Ang bilis naman, Alicia."

Umupo ako upuan na kaharap ni Mommy. Mom and Dad were having their coffee in the pool side. Paggising ko kinaumagahan sila kaagad ang pinuntahan ko para magpaalam na babalik na kami ng Australia bukas.

"Ayaw ko sana, My. Pero para sa mga bata kailangan. Nandito si Nathaniel. Nagkita sila ng mga anak niya kagabi."

Dad creased his forehead. "You didn't know that he's here?"

"Hindi, dad. Ang sabi niya kasi sa akin noon na sa ibang bansa sila maninirahan ni Kate."

"He's staying here. He took over the management of the family business."

Hindi ko alam na may negosyo sila dahil hindi niya naman sinabi noon kaya nakagugulat. Tama ang hinala ko sa nakita kahapon.

"Nagmamay-ari ba ang pamilya niya ng mall, dad?"

"Yes. A family business passed to them by their ancestors."

Marahan akong tumango. Hindi lang pala grocery store ang pagmamay-ari niya. Buong  mall pala talaga.

"Ganoon ba?" I shrugged. "Good for him."

"Anong nangyari kagabi?" Mommy asked curiously and eagerly.

I sighed. "Ayon. Pareho nilang ininsulto si Nathaniel."

"Hay! Sabi ko na nga ba! Kasalanan mo 'to, Alfonso!"

Dad gave Mom a surprise look. "At bakit naging kasalanan ko na naman?"

"Kung hindi ka sana dininig na drug lord noon 'e 'di hindi papasok sa buhay ng anak natin iyang si Nathaniel Artiaga!"

Dad shook his head helplessly. Narinig ko sa mga katiwala na ganito raw talaga ang trip ng mga matatandang ito. Araw-araw sinisisi ni Mommy si Daddy kahit wala talagang kinalaman si Daddy. Kahit ang pagkamatay ng mga halaman, isinisisi kay Daddy. Palagi kasi raw pinupuna ni Daddy ang nakakapagod na trip ni Mommy araw-araw. At kapag namatay ang halaman kinabukusan, kaagad na inaaway ni Mommy si Daddy. Nagtampo raw ang halaman kaya ganoon.

"People always have something to say. We don't have a hold against their perception towards us."

Napalunok ako bago mahinang nagtanong dahil muli akong na-curious. Dati-rati ko pa talaga ito naririnig pero nahihiya akong magtanong sa kanila ni Mommy.

I was being bullied before. Drug lord daw ang daddy ko kaya mayaman kami. Hindi naman kami mayaman. May kaya lang dahil judge si Daddy. Sa katunayan, galing sa mahirap na pamilya si Daddy.

Sampu silang magkakapatid at siya lang ang nakatapos sa kanilang lahat dahil sa lahat siya lang din ang may utak. Kaya nagsipag si Daddy at pinasok ang kahit na anong trabaho para lang makapag-aral.

Si Mommy 'yong pinanganak na mayaman. Parehong judge ang mga magulang ni Mommy. At sila ang nagpaaral kay Daddy ng abogasiya. Researcher nila si Dad noon at nakita raw nila ang talino kaya pinaaral.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now