Chapter Five

13.7K 520 163
                                    

Chapter Five

Magnesium

Nang mga sandaling iyon, wala akong pakialam kung nandito ang ina, mga anak, girlfriend, friends, countrymen and lovers ni Nathaniel, ginigil niya bawat himlay ng ugat kong bayawak siya. Papatayin ko siya!

Nagkagulo ang lahat sa pag-awat sa akin nang walang pasabing bigla ko siyang nilapitan sa kama at sinakal pagkatapos ng katarantaduhan niya.

"Walanghiya ka!"

"Oh my god!"

His mother and girlfriend both gasped and shouted with horror while I was busy choking Nathaniel to death. Tinotohanan ko talaga ang pagsakal sa kanya dahil gusto ko siyang patayin ngunit hindi umabot nang sampung segundo ang pagsakal ko sa kanya dahil mabilis kong naramdaman ang paghila sa akin papalayo ng mga kasamahan niya na mas lalo kong ikinagigil.

Hindi nila ako dapat pigilan dahil ito na ang pagkakataon na hinihintay ko! Ito na ang moment of truth!

"Bitiwan niyo ako! Papatayin ko 'yan! Gago na 'yan!" pagwawala ko habang nagpupumiglas sa hawak ng mga kasamahan niya.

Wala akong pakialam kung nagmumukha akong siraulo dahil sa aming dalawa mas siraulo siya! Akalain mo 'yong matapos akong lokohin, saktan, paasahin, balewalain, patayin at ibasura, babanatan ako ng ganyan? Ang kapal ng mukha!

"What the hell?" he murmured confusedly. "What is happening? Anong ginawa ko? May labahin ba akong naiwan?" he asked himself, and I was like naimbyerna to the max again.

Pucha! Hindi na talaga ako magtataka kung bakit napaniwala at nabilog ako ng walong taon kasi tignan niyo naman. Walang panama si John Lloyd Cruz sa acting. Pati si Rami Malek mahihiya!

"Hoy, Artiaga, gago ka! Ano bang pauso mo, ha?! Ano na naman bang drama mo?!"

"Mommy!" sabay na sigaw ng mga anak ko sa akin kaya natigil ako sa pagduro kay Nathaniel at pagpupumiglas sa hawak ni Ezekiel sa akin.

Umuubo-ubo naman ang bayawak pagkatapos na para talagang tinotohanan ko ang pagsakal sa kanya. Sobrang talagang halatang nagda-drama lang.

Napaka-late reaction ng ginawang pag-ubo kaya huwag niya talaga akong mapani-paniwala na nagka-amnesia siya dahil alam na alam ko ang galawan niyang 'yan, hudas siya.

"Ano? Kakampihan niyo na naman daddy niyo? O, hala sige! Magsama kayong tatlo! Diyan na kayo sa daddy niyong best actor!"

Marahas akong nagpumiglas sa hawak sa akin ni Ezekiel saka umayos ng tayo. Tatalikod na sana ako para lumabas pero bigla ko siyang narinig na magsalita.

"Ano bang nangyayari sa'yo, hon? Hindi kita maintindihan."

"Aba't!"

Hinubad ko ang sandals at ibabato na sana sa direksyon niya pero mabilis akong muling sinigawan ng mga anak ko.

"Mommy, stop! Daddy is sick! Stop!"

"Anong sick? Walang sakit 'yang daddy niyo! Nagkukunwari lang iyan!"

"Daddy, nagkukunwari ka po ba?"

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now