Chapter Twenty-Three

7.4K 377 158
                                    

Chapter Twenty-Three

Slap

I'm already living the life that I always wanted. Bakit pa ako babalik kay Nathaniel? Oo, aaminin kong naapektuhan ako sa mga ginagawa niya. Minsan naalala ko ang masasayang nakaraan namin. Minsan nalulungkot na lang ako bigla at nakararamdam na parang may kulang.

But I believe it is normal. It's natural to miss the past, just as it feels natural to feel alone and lonely. It's okay to be hurt when I recall how we used to care for each other. What's not okay is mistaking my loneliness for Nathaniel's absence when, in reality, I miss being in love. I'm not missing him... I just miss the love and the thought of being in love. I'm old enough to admit that it didn't work out because Nathaniel isn't the right person for me.

Saka mahirap at hindi madaling kalimutan ang lahat ng sakit. Hindi ganoon kadali. Ang tanga-tanga ko na kung babalik pa ako sa kanya matapos ang lahat-lahat.

In the middle of his gentle kisses, I gently pushed him away. Yumuko ako kasabay nang pagharang ng mga palad ko sa dibdib niya.

"Tama na, Nathaniel." I whispered. "Tama na utang na loob."

Mahabang katahimikan ang sunod na namayani. Hindi ko narinig ang boses niya kaya dahan-dahan kong inangat ang tingin patungo sa mukha niya.

He was already staring at me when I had my head lifted. His stares were blank. It says nothing. Hindi ko mahulaan kung ano ang tinatakbo ng utak niya.

"Wala na ba talaga?"

Isang tipid na iling ang itinugon ko sa mahina niyang tanong. It was almost just a whisper. Parang walang plano na iparinig sa akin.

"Wala na..." I mumbled the truth. "Wala na akong nararamdaman para sa'yo, Nathaniel. Sapat na ang lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin noon para malaman ko kung ano ang hinahanap ko sa buhay at hindi ikaw 'yon. Kaya tama na... tama na ang walong taon na pagsasama natin noon. Naging masaya noon ako ng sobra."

"Y-you did?" he softly asked, his voice breaking.

May mga luha na namumuo sa gilid ng mga mata niya. Hindi naman sana ako inggitera pero nagsimuli na ring namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"O-oo." I said. "Naging masaya ako noon... pinasaya mo ako... sa loob ng maikling panahon na iyon." I paused to swallowed the lump on my throat. "I-ikaw? Naging masaya ka ba sa piling ko noon? Na... napasaya ba kita noon?"

"O-oo..."

Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi niya.

"P-pero nang mawala ka na sa piling ko nalaman. Hindi ako nakaramdam ng kaligayahan noon kaya hindi ko alam na iyon na pala 'yon. I-I thought that... happiness is... is just making my parents' proud." He smiled faintly. "At hindi ako nakapagpasalamat sa iyo sa bagay na iyon. Sinaktan pa nga kita. Allow me to say it this time."

He paused to stare at me intently.

"T-thank you," he whispered. "T-thank you so much for everything, Alicia."

Marahan akong tumango habang pinipigilan na tumulo ang mga luha ko.

"Pwede tayong maging magkaibigan para sa mga bata, Nathaniel." pinilit kong magsalita sa gitna ng hirap sa pagpigil ko ng mga luha.

"G-gusto ko... pero sa tingin ko hindi nakatutulong. Kakapal lang ulit ang mukha ko para hilingin na makibaglikan sa'yo."

Tumigil siya para titigan ako nang maigi.

"Sorry... I'm sorry for trying to push myself. Desperado lang ako. Alam ko kung gaano kita nasaktan noon. Hindi ko lang naisip. Pangako, hindi na mauulit. Hindi na ito mauulit."

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now