Chapter Twelve

8.8K 477 509
                                    

Chapter Twelve

Home

May mga pagkakataon talaga na hindi ko alam kung maaawa o maiinis ba ako sa mga anak kong ito? May mga panahon kasi na lumalabas ang mga ugali nilang minana nila sa Daddy nila. Minsan hindi mo maarok at maintindihan ang mga trip sa buhay.

Ilang beses akong halos lumuhod na sa kanilang dalawa para lang pagbigyan ako sa kagustuhan kong umuwi ng Pilipinas pero hindi ako pinagbibigyan. Sinong mag-aakala na si Natey Boy lang pala ang mapagpapakauwi sa kanila? Hindi ko rin talaga alam kung anong meron dito kay Natey Boy. Puting aspin lang naman ito. Hindi hamak na mas gwapo naman sina Brad Pitt, Tom Cruise at Keanu Reeves.

Naalala ko pa nang dumating si Natey Boy sa bahay. Dinala siya ni Nathaniel at inilagay sa isang papel na supot. Akala ko pansit ang dala niya nang mga sandaling iyon. Tuta pala. Tuta na sobrang liit at halos buto't balat.

Nag-away kami nang gabing iyon dahil tyanak talaga sa paningin ko ang tuta. Pero mas pinili niyang alagaan si Natey Boy. Mas lalo akong nainis dahil katututo pa lang nina Crayon at Hunter na maglakad no'n tapos biglang pinupulot kapag nakikita.

Natatakot ako na baka makagat ang mga pogi kong anak kaya makailang kong pinupuslit paalis ng bahay. Pero malalaman ko na lang pag-uwi ko kinagabihan mula sa opisina na pinaglalaruan na nina Crayon at Hunter. Tuwang-tuwa talaga sila kay Natey Boy kahit noong mukhang tiyanak pa.

Si Natey Boy ang bonding nilang mag-ama noon. Sinasabay ni Nathaniel si Natey Boy sa pagligo sa kambal. Inalalagay niya rin sa batya kasama ang mga anak niya kaya ang sigaw ko abot hanggang kanto.

Pero wala akong magagawa dahil iba talaga ang tama nilang tatlo kay Natey Boy kaya hinayaan ko na lang. Natutuwa rin naman ako na makita silang tatlo na nagtatawanan habang nakikipaglaro kay Natey Boy. Hindi ko namalayan na kasali na sa budget ang dog food ni Natey Boy.

Kaya biglang lumaki at gumanda. Akala nga ng iba Siberian Husky dahil ang laki. Jusko! Kung alam lang nila na dating tiyanak talaga.

Though I admit that I was in pain myself while looking at my sons. Nang dumating sa bahay kaagad nilang niyakap at dinala sa kandungan si Natey Boy na hinang-hina na pero nakilala pa sila ni Crayon at Hunter.

He licked their hands and made a faint sound while resting his head on Crayon's chest. Nakaka-touch ang tagpo kaya naluha kaming lahat lalo pa at humahagulhol ang mga anak ko habang niyayakap si Natey Boy.

It's as if a part of them was lost.

Ngayon ko lang nakitang ganito kalakas umiyak ang mga anak ko. Huli silang umiyak ng ganyan kalakas nang marinig nilang mas mahal ng Daddy nila ang girlfriend nito. Naalala ko bigla ang araw na iyon sa tagpo ngayon kaya hindi ko namalayan na ang lakas-lakas na rin pala ng pagtulo ng mga luha ko.

May paghagulhol ako nang konti kaya hinaplos ni Mommy ang likod ko.

"Okay ka lang, anak?"

Marahan akong tumango habang pinapahid ang mga luha.

"Oo, My. Naaawa lang ako sa mga bata."

Parang hinihintay lang ni Natey Boy na dumating sina Crayon at Hunter dahil isang oras pagkatapos ng reunion nila, binawian na ng buhay si Natey Boy.

Dad decided to have the body cremated kaya pumunta kaming lahat sa crematorium. Habang naghihintay, iyak pa rin nang iyak ang dalawa kaya abala ako sa paghaplos ng mga likod. Pinagtitinginan kami ng mga naroroon. Awang-awa at kung ang iba naluha lang kanina, ngayon, humagulhol na rin.

Parang hindi na napigilan ang mga damdamin. Na-trigger sa pag-iyak ng mga anak ko. Kung alam lang ng lahat na aso ang talaga pina-cremate namin at hindi katulad nila na mga mahal nila sa buhay, sila'y maloloka.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon