Chapter Sixteen

9.7K 388 185
                                    

Chapter Sixteen

Dinner

"Totoo ba ang narinig ko mula sa mga bata, Alicia Celestine?"

Kalalabas ko lang sa kwarto kinaumagahan at iyon kaagad ang ibinungad sa akin ni Mommy. Mommy had her arms crossed in front of her chest. Naka-night gown pa na pinatungan nito ng magarang silky na robe. Glad, hindi pa nakapag-kilay kaya hindi masyadong na-i-emphasize ang pagtaas.

Pero pakiramdam ko pa rin na ako si Bekcy nang mga sandaling iyon at nahuli ako ni Ms. Minchin na nagnakaw ng patatas sa pantry kaya hindi ko mapigilang kabahan ng konti.

Kinamot ko ang leeg. "Bakit, My? Anong sinabi ng dalawa?"

"Magkasama kayo ni Nathaniel kagabi?" nakataas muli ang kilay na tanong ni Mommy.

Marahan akong tumango. "Oo."

"At anong ginawa niyo?"

"Nag-usap." tipid kong sagot.

"Nag-usap hindi naglandian?"

"Nag-usap." Muli kong sagot. "Tungkol kina Crayon at Hunter. At dahil doon, inimbitahan ni Nathaniel na mag-dinner ang dalawa sa bahay niya mamayang gabi!"

Ngumiti ako bago nilampasan si Mommy na mabilis na sumunod sa akin.

"Dinner? Anong nakain ni Nathaniel Artiaga?"

Nilingon ko si Mommy. "Ewan. Nabagok yata ang ulo ng gago."

"Pumayag ang dalawa?"

Tumango ako saka humawak sa railings ng hagdanan habang naglalakad pababa.

"Oo." Nilingon ko si Mommy. "Himala nga."

"Hindi mo sasamahan?"

"Bakit ko sasamahan? Father and sons moment iyon."

"Paano kung may binabalak ang dalawang kalokohan? Naku, samahan mo, Alicia Celestine! Baka mapatay nila ang Daddy nila. Makukulong ang mga apo hindi ako makakapayag!"

I wrinkled my nose. "Mommy, napaka-paranoid niyo. Hindi naman kriminal ang mga apo niyo. Hayaan natin silang tatlo."

Wala talaga akong planong sumama dahil bukod sa gagawin lang naman ako ni Nathaniel Artiaga na taga-hiwa, gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na masolo ang mga anak niya.

Hunter and Crayon joined us for breakfast that morning, and neither of them mentioned their dinner with Nathaniel later. Dad didn't ask or bring up the subject too.

Nang matapos na kami sa pagkain ko sila tinanong. Nilapitan ko silang dalawa. They were on the veranda. Crayon was strumming a guitar while Hunter was playing with his phone.

Tahimik akong umusog ng upuan mula sa round table kung saan sila naroroon at nakangiting tinignan si Crayon. He was softly humming along to the song he was playing.

"Ipagpatawad mo, aking kapangahasan."

Napangiti ako sa narinig. Itinukod ko ang kamay sa mukha at mataman na tumitig at nakinig kay Crayon.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now