Chapter Eighteen

8.8K 386 307
                                    

Chapter Eighteen

Knock, Knock

The kiss was fleeting and accidental. Pero muntik kong nasampal nang malakas si Nathaniel. Actually, hindi ko alam kung bakit nangyari iyon? Matagal din akong nakapag-react. Pinoproseso pa ng husto ang utak ko ang nangyari.

"What the hell..." I muttered after regaining my consciousness.

Nagkatingan kaming dalawa ni Nathaniel pagkatapos. Halata at bakas sa mukha namin pareho ang gulat.

"S-sorry. I didn't me—."

"It's okay." I immediately cut him before he could even finish his statement. "It's okay."

Kumilos ako para sana umalis sa ibabaw niya pero nakabuhol pa pala ang wire ng dextrose sa heels ko kaya nang sinubukan kong tumayo mabilis niya akong hinila para siguro hindi maputol sa pulso niya. Hindi ko napaghandaan ang ginawa niya kaya nang bumagsak, muling nagdikit ang mga labi namin.

Nahinkatukan ako sa muling pagdidikit ng mga labi namin kaya mabilis akong kumilos pero mabilis niya rin akong pinigilan at kagaya ng nangyari kanina nagkasalubong muli ang mga labi namin.

Mabilis kong inilayo ang mukha tapos sinampal siya nang mahina sa mukha.

"Aray,"

"Bastos ka! Pinagsasamantalahan mo ako!"

"Pinagsasamantalahan? What the hell I did not." his response to my accusation. "Iniiwasan ko lang na matanggal sa pulso ko ang dextrose."

"Huwag ka ng magkunwari, Nathaniel. Alam ko na gusto mo lang matikman muli ang mga labi ko."

His face turned sour.

"Grabe, Alicia. Sampung taon na ang nakararaan, iba ka pa rin mag-isip. Wala akong iniisip na ganyan. Ang iniisip ko ay ang karayom. Hindi masarap matusok ng karayom baka hindi mo alam?"

"Mas hindi masarap ang labi mo. Lasang aneasthesia!" sigaw ko sa inis.

At hindi ko alam kung saan ako naiinis, sa pagkadidikit ba ng mga labi namin o sa pagsabi niyang assumera ako para isipin na gusto niya akong mahalikan?

Sige na. Assumera na ako. Bakit niya naman gugustuhin na mahalikan ako, 'di ba? Gaga kang tunay, Alicia Celestine.

"Ano ba 'to?" Marahas kong pinahid ang mga labi ko. "Pwe! Ang sama ng lasa."

"The last time I remembered, hindi ko kinain ang aneasthesia, Alicia. Huwag kang OA."

"Bakit ka ba nakikipagdiskusyon? Iyon ang nalasahan ko. Nakakaawa ka, Nathaniel. Paano ka makakahanap ng forever kung ganito?"

"Tumahimik ka, Alicia. Huwag kang malikot."

Kumilos siya at inayos ang pagkakabuhol ng wire ng dextrose sa heels ko. I felt so uncomfortable with our position. Matagal niya pang naayos dahil siguro sa posisyon namin at sa tama niya.

Napaalalahanan ako sa tama niya sa gilid ng beywang. Nadaganan ko siya at nababahala ako kaya mabilis kong kinapa ang sugat.

"Huwag kang chansing diyan, miss."

"May dugo."

My eyes widened as I lifted my gaze.

"Dumudugo ang sugat mo. Bilisan mo na kaya iyan!"

Nagkasalubong ang mga kilay niya sa pagsigaw ko pero hindi naman siya sumagot. Tahimik niya lang na ginawa ang sinabi ko. Nang matapos siya kaagad akong tumayo.

Tutulungan ko sana siya patayo pero nagawa niya nang tumayo ng walang tulong.

"Tatawag lang ako ng nurse."

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now